^

PSN Opinyon

NAIA - BI silent protest pasahero ang apektado

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

BABAYARAN o hindi na babayaran at tatanggalin na lamang ng gobierno ang overtime allowance ng mga kawani ng Bureau of Immigration?

TAHIMIK na nagpakita muli ng protesta ang mga immigration officers sa NAIA hindi sila maingay at nanggugulo the other day.

Bakit?

Sagot - 3 months na kasi silang hindi binabayaran ng kanilang overtime allowance kaya hayun sa buwisit marami ang nag-file ng leave of absence at hindi na pumasok.

‘Ano ang naging epekto?’ tanong ng kuwagong walang pera.

Sagot - mga pasahero sa NAIA ang nagkaproblema at buwisit na buwisit sa naranasan mahabang pila sa departure immigration counter ng paliparan.

Bakit naman?

Sagot - halos isa o dalawang immigration officers lamang ang nasa counter para bigyan ng departure clearance ang kanilang passports.

Tanong - ano ang mainam?

Sagot - hindi na siguro dapat magpakaang-kaang ang gobierno kailangan umaksyon na sa madaling panahon ang mga pa bright, bright sa kanila para ayusin ang tungkol sa isyu nang hindi pagbabayad ng overtime pay ng mga immigration na nakatalaga sa NAIA.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gusto nilang iparating kay Boss Digong ang kanilang daing dahil dapat noon pang Biernes sila dapat maglunsad ng protesta para hindi na pasukan ang kanilang trabaho.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tatlong buwan na silang hindi binibigyan ng salapi na kanilang pinaghirapan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga masasamang loob na IO ay nag-file ng leave kaya naman ang epekto ay nasalo ng mga pasahero tuloy ngitngit na ngitngit ang mga ito habang nasa mahabang pila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, umaabot sa P40,000 ang kanilang OT allowance per month dahil sa tatlong buwan na silang hindi binabayaran may P120,000 na ang utang ng pamahalaan.

Tanong - mabayaran pa kaya sila o hindi na?

Ika nga, tanggalin na kaya ang OT nila o ibalik muli?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang OT allowance ng mga kawani ng Bureau of Immigration ay nanggaga­ling sa ‘express lane fund’ dahil kung ang mga sahod lamang nila ang aasahan napakaliit nito kumporme sa salary grade ng isang immigration officer.

“May P20,000 lang ang sahod ko isang buwan ibawas mo ang lahat ng dapat iawas dito taxes, philhealth, GSIS contribution, pag-ibig, gasolina, pagkain sa NAIA, bayad sa bahay, pambaon ng mga bata sa school at pang araw-araw na pagkain sa bahay tiyak walang matitira kung aalisin ang OT namin.’ sabi ng kuwagong nagmamaktol.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas malaki pa raw ang sahod sa kanila ng taga - call centers kung tutuusin kaya kung ganito lang ang mangyayari sa amin sa BI mas mabuti pang umalis na kami at maghanap ng ibang trabaho.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang pinag-aralan namin sa BI bago kami matanggap may examination, interviews at may three months schooling pa sa Immigration Academy sa Clark bukod pa rito dapat din college graduate kami with matching civil service eligibility.

‘Walang tatagal sa NAIA - BI kung ganitong aalisin ang OT allowance.’ sabi ng kuwagong sawi.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kapag nangyari ang pag-aalis ng OT allowance sa kanila pinangangambahan ng ilang opisyal dito na baka matukso ang iba sa kanila at makipagsabwatan na lamang sa mga sindikato ng human trafficking at illegal recruitment?

Naku ha!

Lagot!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may 2,000 BI employees ang malamang mag-say goodbye sa kanilang opisina oras na inalis ang kanilang OT allowance.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kapansin-pansin na maraming empleado sa NAIA - BI ang hindi na sumisipot dito dahil sabay-sabay silang nag-file ng leave of absence.

Ika nga, hindi sila masisisi, hindi naman sila nagsasakit-sakitan?

Sabi ng mga nakakaraming empleado dito P7 to 9,000 na lamang ang basic take home pay na sasahod nila every 15-30.

“Ano ang mangyayari dito ? Kahit anong pagtitipid ay hindi ito puede.’ sabi ng kuwagong asar.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung tayo ang nasakatayuan ng mga ito tiyak magpapaalam na rin tayo at maghahanap ng ibang trabaho.

‘Hindi biro ang trabaho ng mga ito sa airport sila ang monitoring at profiling sa lahat ng klase ng mga pasahero sa paliparan.’ sabi ng kuwagong tokhang.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may paraan pa kaya para ibalik ang kanilang OT allowance dahil kung malabo na ito tiyak susubok na lamang sila ng ibang trabaho.

Abangan.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with