^

PSN Opinyon

Durugin ang Abu Sayyaf

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

KATULAD ng sinabi ko sa isang nakaraang kolum, dapat pulbusin ang mga teroristang Abu Sayyaf. Nung isang araw pinugutan nila si Jurgen Kantner, isang German national. Kinidnap nila ito at ang asawa sa karagatan ng Tawi-Tawi. Hindi sila nakapagbigay ng P30 milyon na hini­hingi ng mga terorista. Sapagkat kung pinayagan na ma­karating sa kanila ang ransom money, walang katapusan. Sinabi ko na nga ba na ang Abu Sayyaf ay talagang traydor. Nakakalungkot isipin, mukhang kaalyado nila ang MILF at MNLF.

Suportado ko ang ginawa ng US  kung saan meron­ silang “no ransom policy’’. Tama ang ginawa ng gob­yerno­ na humingi ng paumanhin sa Germany dahil na­la­gasan na naman sila ng isa nilang kababayan na dito pa sa ating bansa nangyari. Ako mismo ay nakikiramay sa mga naulila ni Kantner. Galit ang nararamdaman ng mamamayang Pilipino sa Abu Sayyaf dahil para lang silang pumapatay ng hayop. Walang halaga sa kanila ang buhay ng tao. Kung naalala n’yo nung bagong halal si US Pres. Donald Trump nag-anunsyo siyang iwasan ang pagpunta sa Pilipinas sapagkat isa ito sa mga lugar ng terorsita. Suportado ko ang pasya ni Trump. Nakakalungkot isipin na tama siya.

Kailan lang pinangalanan niya ang pitong bansa sa Middle East kasama ang Syria, Iraq at Iran, iba pa kung saan nanggagaling ang pinagkukunan ng langis.

Sa tingin ko paliit na nang paliit ang mundo ng Abu Sayyaf, dahil unti-unting nakukubkob ng tropa ng pamahalaan ang kanilang mga kuta. Suportado ko si President Duterte na nagpadala ng isang Batalyong Tropa ng Militar para pulbusin ang mga teroristang ito. Sana tuloy-tuloy ang pagsuyod ng military sa kabundukan ng Mindanao. Huwag tigilan hanggang maubos ang mga terorista.

Ginawa naman ni Digong ang lahat para maisalba ang buhay ni Kantner na hindi magbibigay ng ransom.

vuukle comment

ABU SAYYAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with