^

PM Sports

Kay Khan pupusta si Dela Hoya

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naniniwala si Oscar dela Hoya, ang tinaguriang “Golden Boy” na maaaring talunin ni Amir Khan si Manny Pacquiao sa sinasabing paghaharap nila sa April 23.

Ito ang sinabi ni Dela Hoya, binugbog ni Pacquiao noong 2008 kasunod ang pagreretiro sa panayam ng international sports news agency na Omnisport.

“I give Amir Khan a great chance. I’ve always believed in Amir Khan,” wika ni Dela Hoya.

Liyamado ang 38-anyos na si Pacquiao, kasalukuyang senator at ang reigning WBO welterweight champion sa kanilang bakbakan ng 30-anyos na si Khan.

Sa pustahan ay tumatayo si Pacquiao na isang minus-225 favorite na nangangahulugan na kung tataya ng $225 para sa heavy-hitting Filipino ito ay mananalo lamang ng $100.

Si Khan, may 31-4 record, ay isang plus-175 kung saan ang taya na $100 sa British star ay mananalo ng $175.

Kumpiyansa ang 44-anyos na si Dela Hoya na mananalo si Khan laban kay Pacquiao.

“Amir Khan is one of the best fighters on the planet. He has speed. He has power,” sabi ni Dela Hoya na hindi binanggit na mahina ang panga ni Khan.

Sa kanyang apat na kabiguan ay nakalasap si Khan ng tatlong knockouts, ang una ay sa 55 segundo ng kanilang suntukan ni Colombian Breidis Presscot noong 2008 sa Manchester.

Napatulog din si Khan, dating world light-welterweight champion, sa fourth round ni Danny Garcia noong 2012 at napabagsak ni Canelo Alvarez sa sixth round ng kanilang middleweight clash noong May.

Hindi pa naman nakakapagpatumba si Pacquiao, may 59-6-2 (38 knockouts) record sa huling walong taon at may tsansa ang eight-division champion na mawakasan ito sa pagpapatulog kay Khan.

Inihayag ng Pacquiao camp na ang venue ay ang Dubai o Abu Dhabi sa United Arab Emirates.

Nag-alok ang UAE group kay Pacquiao ng $38 milyon para labanan si Khan sa UAE.

Sa isang Internet report ay sinasabing nag-latag ng $70 milyon ang China para harapin ni Pacquiao si Mexican rival Juan Manuel Marquez.

 

vuukle comment

OSCAR DELA HOYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with