^

PM Sports

Walang alam si Arum

Dino Maragay - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hanggang kahapon ay walang alam si Top Rank Inc. chief Bob Arum sa napabalitang pagkakasundo nina Manny Pacquiao at Amir Khan na maglaban ngayong Abril.

Pero malalaman na rin niya ito sa lalong mada-ling panahon.

“I have none. We’ll see what we see,” sabi ni Arum kay Steve Kim ng boxingscene.com nang tanungin kung ano ang kanyang opinyon ukol sa  laban na planong gawin sa April 23.

May mga ulat na nagkasundo na sina Pacquiao at Khan na maglaban na hindi pa alam kung saan.

Parehong nag-post sa Twitter ang dalawang boxer ng announcement ng kanilang laban.

Lumalabas na nagkasundo ang dalawang kampo na hindi kasama sa usapan si Arum at anumang araw ay malalaman na ng Top Rank boss ang buong detalye.

Sinabi ni Arum na makikipag-usap siya sa adviser ni  Pacquiao na si Michael Koncz para alamin ang mga detalye ng deal.

“Well, Mike Koncz is flying in to the United States now and we’re going to meet tomorrow,” ani Arum.

Si Koncz ang naki-pagnegosasyon para kay Pacquiao sa mga taga-United Arab Emirates at sa Dubai posibleng idaos ang laban.

Ang unang plano ni Arum ay ilaban si Pacquiao sa isang Australian boxer na si Jeff Horn, kaya nakipag-usap ito sa mga kinatawan ni Horn sa posibleng pagdaraos ng laban sa Brisbane.

Ngunit tila balewala na lahat ang napag-usapan sa mga taga-Australia dahil tila nakatuon na si Pacquiao kay Khan na dati niyang stablemate at sparring partner.

May ulat na inalok ng $38 million si Pacquiao para sa laban.

Sinabi naman ni Arum na magkakaroon din ng linaw ang lahat.

“I don’t know what offer we’re talking about but obviously we’re all collegial, we’re all on the same team and we’ll discuss what is the best move for Manny tomorrow,” ani Arum.  

vuukle comment

BOB ARUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with