^

PSN Showbiz

Albie ayaw nang makatrabaho si Andi kahit kailan

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ano kaya ang reaction ni Andi Eigenmann sa sinabi ng kanyang ex-boyfriend na si Albie Casiño na hindi na niya gustong makatrabaho ang dating girlfriend dahil sa trauma na kanyang ina­bot nang sila’y magkahiwalay dahil siya ang unang itinurong ama ng anak ng aktres?

Sa presscon ng upcoming horror movie ng Regal Films na Pwera Usog, muling tinanong si Albie tungkol dito.

As much as possible ay ayaw na ni Albie na pag-usapang muli ang tungkol sa kanila ni Andi dahil pareho na silang naka-move on sa kanilang personal na buhay at career.

Sa totoo lang, Salve A., nag-suffer nang husto ang career ni Albie nang siya’y ma-involve sa kontrobersiya with Andi over the paternity issue ng anak nito na si Jake Ejercito naman pala ang tunay na ama.

Si Albie ay nali-link ngayon sa modelong si Michelle Arceo habang si Andi naman sa non-showbiz guy na si Emilio Arambulo.

Jake ayaw talagang mag-showbiz

Samantala, kahit hindi in good terms ngayon ang dating magkasintahang Andi at Jake, mapupu­ri mo pa rin ang aktres sa pagiging maluwag nito sa pagpapahiram sa kanyang anak na si Ellie sa ama ng bata.

Marami rin ang natutuwa kay Jake sa pagiging open nito sa kanyang pagmamahal sa kanilang lovechild ni Andi.

Whenever Jake is in town (dahil nag-aaral siya ngayon sa Singapore), he makes it a point na may oras siya sa kanyang anak na very close na rin sa Ejercito family including his parents na sina Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada at dating aktres na si Laarni Enriquez.

Habang lumalaking maganda at matalino si Ellie, at least kumpleto siya ng pagmamahal mula kanyang estranged pa­rents at grandparents at ibang kaanak.

Samantala, half-hearted pa si Jake sa kanyang tuluyang pagpasok sa showbiz dahil priority niya ang kanyang pag-aaral.

Nagtapos ng political degree sa Queen of Mary University sa London si Jake at kumukuha siya ng kanyang Master’s Deg­ree sa Singapore. Since nasa politics ang kanyang ama, half-siblings na sina dating Sen. Jinggoy Estrada at Sen. JV Ejercito at maging ang kanyang mga pinsan na sina E.R. Ejercito at Gary Estrada, hindi rin malayong pasukin din ni Jake ang pulitika balang araw.

Si Jake ay unang nakilala sa showbiz sa dating Kalyeserye ng Eat Bulaga na pinagbidahan ng phenomenal loveteam nina Alden Ri­chards at Maine Mendoza.

 

vuukle comment

ALBIE CASIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with