^

Probinsiya

Ex-barangay chairman, nilikida

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines – Patay ang dating barangay chairman matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng highway sa Purok 4, Barangay Bantayan sa Tabaco City, Albay kamakalawa ng hapon. Hindi na nagawa pang maisugod sa ospital dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si ex-Chairman Salvador Malana ng Purok 4, Barangay Macabugos sa bayan ng Libon, Albay. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, pauwi na ang biktimang nagmomotorsiklo mula sa pier site ng Tabaco City nang mag-overtake at ratratin ng riding-in-tandem assasins. Kahit naka-helmet ang biktima ay tumagos ang bala sa ulo nito kung saan sumemplang sa highway. Gayunman, upang makatiyak na napatay ay nilapitan pa ng gunman ang biktima saka muling pinagbabaril. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng baril habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

SALVADOR MALANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with