^

Bansa

Drug case ni De Lima pinag-aaralan pa sa RTC

Lordeth Bonilla, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinag-aaralan pa sa ngayon ng tatlong hukom ng Muntinlupa City Regional Trial Court ang kasong droga na kinakaharap ni Senador Leila de Lima at mga kapwa nito akusado bago ito isyuhan ng warrant of arrest.

Nabatid na ang magkakahiwalay na kaso ni de Lima na may kinalaman sa droga ay na-raffle kahapon sa sala nina Judges Juanita Guerrero ng Muntinlupa City RTC Branch 204; Amelia Fabros-Corpuz ng Branch 205 at Patria Manalastas-De Leon ng Branch 206.

Si de Lima  ay nahaharap sa kasong non-bailable  o walang piyansa dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act).

Sinasabing tumanggap umano ang senadora  ng pera mula sa mga sindikato ng droga na nagsasagawa ng iligal na operasyo sa New Bilibid Prisons noong ito ay kalihim pa ng Department of Justice. 

Kasabay ng paggigiit ni Senador Leila de Lima na ang Tanggapan ng Ombudsman ang may hurisdiksyon sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga laban sa kanya, iginigiit din ng Department of Justice  panel of pro­secutors na sila ang may hurisdiksyon na humawak ng kaso.

Batay sa 52-pahinang resolusyon, nanindigan ang piskalya na walang merito ang nasabing argumento ni De Lima na siya ring naging posisyon o paniniwala nina dating Bureau of Corrections Director Franklin Bucayu, at Joenel Sanchez na dating security escort ni De Lima.

Malinaw umanong nakasaad sa Section 90 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na ang mga regional trial court ang may exclusive original jurisdiction sa mga kaso ng iligal na droga, partikular na iyong mga paglabag sa ilalim ng RA 9165.

Pinagtibay pa ito ng isa pang probisyon sa nasabing batas dahil nakasaad sa Section 28 na ang maximum penalty o ang pinakamabigat na parusa na itinatakda sa ilalim ng RA 9165 ang dapat na maipataw na parusa kung ang dapat na mapanagot ay opisyal o empleyado ng gobyerno.

Bukod sa pagkabilanggo, ang opisyal o empleyado ng gobyerno na mahahatulang guilty ay habang buhay na ring disqualified sa paghawak sa anumang posisyon sa gobyerno.

 

vuukle comment

RTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with