^

Bansa

Impeachment vs Digong malabo?

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malabong ika-impeach ni Pangulong Duterte ang alegasyon ni SP03 Arthur Lascañas na siya ang utak ng ilang insidente ng pagpatay sa Davao noong siya pa ang Alkalde dito.

Ito ang sinabi ni Angkla Rep. Joselito Manalo na isa rin abogado matapos ang public confession ni Lascañas na dating lider ng Davao Death Squad at isa rin siya sa nautusan noon ni Duterte na pumatay.

Giit ni Manalo, ang umano’y krimen ni Duterte ay nangyari noong alkalde pa siya ng Davao kaya hindi ito maaaring ma­ging basehan ng isang impeachment complaint.

Kung ito umano ang gagawing basehan ng pagsasampa ng reklamo sa Pangulo ay pag-aaksaya lamang ito ng panahon.

Para naman kay Akbayan partylist Rep. Tom Villarin, seryoso ang rebelasyon ni Lascañas kaya dapat itong bigyan ng pagkakataon na makapagsalaysay ng under oath.

Paliwanag ni Villarin, may karapatan ang publiko na malaman ang buong katotohanan tungkol dito lalo na sa gitna ng umiiral na culture of impunity sa ilalim ng administrasyong Duterte.

 

vuukle comment

IMPEACHMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with