^

Bansa

3 criminal cases vs Leila isinampa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
3 criminal cases vs Leila isinampa
Ipinakita sa media ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang kasong isinampa sa Muntinlupa City Regional Trial Court laban kay Sen. Leila de Lima kaugnay ng umano’y pagkakasangkot ng huli sa drug trade sa New Bilibid Prisons, sa isang press conference kahapon sa NBI headquarters sa Maynila.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines - Isinampa na kahapon ng Department of Justice (DOJ) ang tatlong kasong kriminal laban kay Sen. Leila de Lima kaugnay sa pagtanggap umano nito ng pera sa mga bigtime drug lords na inmate ng New Bilibid Prisons (NBP).

Natanggap na ng Muntinlupa City Regional Trial Court Docket Section ang criminal case 17-167, 17-166, at 17-165 na tatlong magkakahiwalay na kaso ng paglabag sa Section 5 (sale and trading of illegal drugs), Section 26 (b) and Section 28 (criminal liability of government officials and employees) at Section 28 (criminal liability of government officials and employees) sa ilalim ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).

Kasama ring kinasuhan sina dating Bureau of Corrections Director Franklin Bucayu, NBI deputy director Rafael Ragos at iba pa.

Pinagsama-sama na ng DOJ-National Pro­secution Service ang mga inihaing kaso ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), nina dating NBI deputy directors Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala, Jaybee Sebastian at ng mismong NBI kaugnay sa paglaganap ng illegal drug trade sa Bilibid.

Ang nasabing kaso ay may katapat na pa­­rusang mula 12 taong kulong hanggang sa habambuhay na pagkabilanggo at may multang mula P500,000 hanggang P10 milyon.

Nilinaw naman ni Secretary Aguirre sa isinagawang press conference kahapon na hindi sa Ombudsman inihain ang kaso dahil ito ay nasa hurisdiksiyon ng RTC.

Hindi umano bailable offense ang kasong kinakaharap ni de Lima dahil sa katapat na parusa.

Kasunod na rin ito ng pagbasura ng Court of Appeals (CA) kahapon sa apela ni de Lima na ihinto na ang isinasagawang imbestigasyon ng DOJ dahil hindi nito saklaw ang kaso na dapat ay sa Ombudsman.

Sa inilabas na Resolution ng CA Special 6th Division, hindi pinagbigyan ang hiling ni de Lima na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) kaugnay sa drug probe laban sa kaniya.

Naging ‘go’ signal ito para naman kumilos ang DOJ at tuluyan nang isampa sa korte ang kaso.

Hindi naman nasama sa asunto ang iba pang sangkot sa kaso na sina dating DOJ Undersecretary Francisco Baraan dahil sa kakulangan ng ebidensiya at iba pang inirekomenda ng NBI na masampahan ng kaso.

Gayunman, nilinaw ni Aguirre na hindi pa naman pinal na nadismis sa kaso ang ibang sangkot dahil ipo-forward nila sa Ombudsman ang information at resulta ng imbestigasyon para ito ang humimay sa mga kasong saklaw ng Ombudsman.

Kabilang sa sinampahan noon ng reklamo ng NBI at iba pang complainant bukod sa tatlo sina Joenel Sanchez na dating miyembro ng security ni de Lima; Ronnie Dayan na dati ring security ni de Lima; Wilfredo Elli; Jesusa Francisco; Lyn Sagum, personal assistant ni de Lima noong siya ay nasa DOJ pa; Julius Rejuso at alias George.

Kabilang din sa inirek­lamo ang mga high profile inmate na sina Jaybee Sebastian; Herbert Colangco; Engelbert Durano; Vicente Sy; Wu Tuan Yuan alyas Peter Co at Jojo Baligad.

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with