^

Probinsiya

Drug den operator, kalaboso

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Maguindanao, Philippines - Kalaboso ang 49-anyos na sinasabing drug den operator sa inilatag na operasyon ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency - ARMM sa Purok Siyete, Mabini Interior sa Barangay Bagua Tres sa Cotabato City, Maguindanao kahapon. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Vanessa Coronel Luminda. Inaresto rin ang anak ni Luminda at ang bisita nitong si Norodin Udao. Nabatid na nakatakas naman ang iba pang kasamahan ni Luminda nang matunugan ang paparating na raiding team. Base sa salaysay ng mga testigo, matagal na umanong nagpapatakbo ng drug den si Luminda na nasa watchlist ng PDEA ARMM. Nasamsam kay Luminda ang 93 plastic sachets ng shabu, iba’t ibang drug paraphernalia at isang video karera machine. Narekober din ang listahan ng mga buyer ng droga na karamihan sa mga ito ay sumuko na sa mga pulis at nangakong magbabagong buhay.

vuukle comment

DRUG DEN OPERATOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with