^

PSN Opinyon

Kapabayaan: Drones na pang-terorismo

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

LIKAS bang mapagliwaliw ang Pinoy, kaya walang pakialam sa kaligtasan at katiwasayan? Kamakailan, na­pa­tunayang dahil sa kapabayaan kaya nanakaw ang per­sonal data ng 55 milyong botante mula sa Comelec website. Ipinahamak silang lahat ng Comelec sa identity theft at panloloko sa Internet. Sunud-sunod ang jail­­breaks sa Central Mindanao; nakatakas ang daan-daang preso na pinaghirapang tugisin ng pulisya. Dahil sa kapabayaan­ ng jail wardens, napapanganib ang mga komunidad.

Nitong nakaraang mga taon hindi na mabilang ang aerial drones na napasa-pribadong kamay. Hinayaan ito ng transport authorities, bagamat sa ibang bansa ay mahigpit na ipina-rerehistro ang drones -- dahil maari itong magamit ng terorista bilang sandata ng pang-mala­wakang kamatayan.

Isipin na lang na ang maliit na drone, halagang P35,000, ay kayang kumarga ng 20 pounds na kahon. Kung mapasa-kamay ng terorista ang 10 nito, ano’ng laking disgrasya kung kargahan niya ito ng bomba at ipabangga sa pa-takeoff o pa-landing na commercial jetliner.

Nu’ng Abril 2016 naglahad ang Civil Aviation Authority of the Philippines ng “Drone Policy.” Taglay ang dalawang umano’y maselang alituntunin: opisyal nang tatawagin ang drones na remotely-piloted aircraft systems, (RPAS); at mumultahan nang P300,000 ang magpapalipad nito nang walang permiso sa paligid ng airports, kampo militar, at Malacañang.

Papano mapipigilan ng dalawang alituntunin na ‘yon ang terorismo? Ewan, tanungin mo na lang sila. Pero huwag na kaya. Sila rin ang nagpabayang lumaganap nang walang rehistro ang milyon-milyong cell phone SIM cards. Kaya naglipana ngayon hindi lang ang junk-text marketeers, kundi pati terorista na nagde-detonate ng bomba sa pamamagitan ng mobile handsets.

vuukle comment

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with