^

Metro

Helper binalisong sa mukha ng karibal

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Wasak ang mukha ng isang canteen helper matapos siyang saksakin ng balisong ng  kanyang karibal sa mukha nang makita na kasama nito ang dating ka-live kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Nilalapatan ng lunas sa isang pagamutan ang biktimang si Raffy Arindain, 22, binata, nakatira sa Block 6C, Purok 1, Brgy. Bayanan ng na­turang lungsod.

Ang suspek na arestado at nakakulong sa Muntinlupa City Police detention cell ay kinilalang si Edgar Durante, 40 ng Munting Nayon, Brgy. Putatan ng naturang siyudad.

Batay sa ulat na natanggap ni Police Sr. Supt. Nicolas Salvador, hepe ng Muntinlupa City Police, naganap ang insi­dente alas-9:30 ng gabi sa ha­rapan ng Amber Machine Shop sa kahabaan ng Na­tional Road, Brgy. Putatan.

Dito ay nakita ng suspek ang biktima na kasama ang dating live-in partner na si Mar­lyn Rodriguez, 28, isang kahera at sinugod ng saksak sa mukha.

Kahit na may tama ay nakatakbo ito at humingi ito ng tulong sa mga otoridad, na nagresulta nang pagkakadakip ng suspek.

vuukle comment

RAFFY ARINDAIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with