^

Bansa

Duterte sinipa ang NBI sa drug war tulad ng PNP

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon
Duterte sinipa ang NBI sa drug war tulad ng PNP

MANILA, Philippines – Dahil nawalan ng tiwala, ipinatigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kontra ilegal na droga.

Sa kaniyang talumpati sa 38th National Convention of Philippine Association of Water Districts sa Davao City, sinabi ni Duterte na nawala na siya ng tiwala sa NBI.

Aniya tiwali ang NBI at ang Philippine National Police (PNP) na una niyang inutusan na itigl ang operasyon sa ilegal na droga kabilang ang “Oplan Tokhang.”

BASAHIN: NBI binalasa ang mga opisyal

Dahil dito ay tanging ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na lamang ang magpapatuloy ng war on drugs.

Una nang nabanggit ni Presidential spokesperson Ernesto Abella na maaaring ibalik ang Philippine Constabulary upang tulungan ang PDEA dahil sa kakulangan ng tauhan nito.

”Nothing is official yet, but the forces will be supplemented, supplemented through another project coming up,” wika ni Abella. “It's not yet official, the Philippine Constabulary may be reactivated.”

BASAHIN: Aguirre: Criminals, drug lords, users, hindi tao

Ipinatigil ang operasyon ng PNP kasunod ng pagkakasawi ng Korean businessman Jee Ick Joo na pinatay sa loob ng Camp Crame.

Binuwag din ng PNP ang kanilang anti-illegal drug group, habang isinasagawa ang internal cleansing upang mawala ang mga tiwaling pulis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with