^

PSN Showbiz

McJim may Lucky Wallet para sa 2017

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa darating na Chinese New Year ngayong taong 2017, magsisimula na ang Year of the Red Fire Rooster, na sinasabing magiging taon ng kayama­nan, kagandahan at kasaganaan.

Sabi ng mga eksperto sa feng shui, makabubuti ang taong ito para sa mga puhunang pinansyal, Ipinapayo ring samantalahin ang mga darating na oportunidad na makapagbibigay ng income o kita.

Ayon sa mga prediksyon, sang-ayon sa mga transaksyon sa negosyo ang Year of the Red Fire Rooster. Kaya, payo ng mga eksperto, maging handa sa pagdating ng Chinese New Year sa pamamagitan ng pagsunod sa mga subok at epektibong hakbang para akitin ang yaman at prosperidad, gaya ng pagkakaroon ng lucky wallet ng McJim Classic Leather.

Kung pinag-iisipang bumili ng lucky wallet o maswerteng pitaka, tandaan rin ang mga lucky tips na ito, galing mismo sa mga eksperto ng feng shui.

Iwasan daw gumamit ng second-hand o pinaglumaang pitaka. Maaaring nananatili sa pitakang ito ang enerhiya ng na­ka­raang may-ari. Kapag gi­namit, hindi ka sigurado kung swerte o malas ang dala nito.

Sa halip, bumili ng bagong lucky wallet mula sa koleksyon ng may mga maswerteng kulay, ayon sa mga eksperto.

Halimbawa, ang mga itim na pitaka ay sumisimbolo sa kayamanan at kasaganaan. Maganda ito para sa mga indibidwal na layong magtagumpay sa negosyo o sa karerang napili.

Samantala, mainam ang mga kayumanggi o brown na pitaka para sa mga nais paramihin ang kanilang ipon, o tumigil sa nakasanayang pagbili ng at paggastos sa kung anu-ano.

Nakatutulong sa pagpaparami ng oportunidad para kumita ang mga berdeng pitaka, dahil sinisimbolo nito ang paglaki o pagdami, at ang buhay mismo.

Ano man ang mapili mong kulay para sa iyong McJim lucky wallet, siguradong marami itong compartments kung saan maaari mong i-organisa ang mga perang papel, barya at cards. Mainam rin ito sa pag-akit ng yaman, ayon sa feng shui.

Matapos bilhin ang iyong McJim lucky wallet, siguraduhing lagi itong malinis at walang kung anu-anong basura para malayang makadadaloy ang positibong enerhiya.

Agad na itapon ang mga lumang resibo, bayarin sa credit card, balot ng kendi, at mga expired na membership card dahil utang at gastos ang sinisimbolo ng mga ito.

Sa halip, punuin ng pera ang McJim lucky wallet, simbolo ng kasaganaan.

Tratuhin nang maayos ang iyong McJim lucky wallet at ganoon rin ang gagawin nito sa iyo. Ilagay ang iyong pitaka sa isang espesyal na lugar sa iyong bahay at iwanan ito doon kapag hindi ginagamit. Ayon sa mga feng shui master, kapag inaalagaan mo ang iyong pitaka, magdadala ito ng yaman sa iyong buhay.

Huwag mong basta-basta itapon ang iyong pitaka. Huwag rin itong ilapag sa sahig, lalong lalo na sa banyo.

Paghiwa-hiwalayin nang maayos ang perang papel at barya sa iyong McJim lucky wallet. Siguraduhing nasa upright na posisyon o nakatayo ang mga perang papel para positibo ang impluwensya sa iyo, sa iyong pitaka at sa iyong pera.

Para sa isang masaganang 2017, bumili ng lucky wallet na gawa ng McJim Classic Leather, at sundin ang mga nabanggit na payo mula sa feng shui experts.

vuukle comment

CHINESE NEW YEAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with