^

Pang Movies

Cancer ni Donna Villa, lumala sa stress sa tax?

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Marami ang nabigla nang mabalitang yumao ang dating aktres at film producer na si Donna Villa. Wala naman kasing nakakaalam na may sakit siya. Wala namang nakabalita na ipinasok siya sa ospital noong nakaraang linggo, pero matagal na pala siyang may dinaramdam.

Ang kuwento nga, noong December pa ay medyo masama na ang pakiramdam ni Donna, pero ni ayaw niyang ipaalam sa mga kaibigan nila lalo na sa show business kung ano ang kanyang kalagayan. Ayaw daw ni Donna na mag-alala pa sa kanya ang kanilang mga kaibigan. Siguro ang inaasahan niya ay wala namang mangyayaring ganyan kabilis.

Noong huli naming makita si Donna, masiglang-masigla pa siya. Talagang hindi mo iisiping may nararamdaman siyang ano man.

Pinag-uusapan nga nila, iyang cancer mas lumalala ang sitwasyon kung ang isang tao ay depressed. Marami rin namang hindi magandang nangyari sa kanila. Ang pinakamalaki ngang problema ay iyong sinasabing mga tax na hindi nila nabayaran. Nagkaroon din sila ng problema doon sa isang serye sa telebisyon na ginawa nila noon. Pero fighter iyang si Donna eh kaya ni hindi mo mahahalatang iniinda niya ang mga problemang iyon.

Natatandaan pa namin, nasabi niyang nakahanda na silang gumawa ulit ng pelikula, kasi nakikita niyang may mga pelikula namang kumikita. Ang sabi niya talaga, itong 2017 sila magsisimula nang tuluy-tuloy na produksyon ulit. Noong nakaraang taon, mga kuwento lang ng kanyang asawa na si Direk Carlo Caparas ang nagawa sa TV5. May mga pelikula rin silang co-produce noon pero hindi rin masyadong naging malaki. Pero marami siyang sinasabing mga bagong project na gagawin sana nila.

Ngayon wala na nga si Donna. Siguro itutuloy naman ni Carlo ang kanilang mga proyekto pero mas matatagalan iyan, dahil nawala ang kanyang pinakamalakas na partner.

Iyong mga gustong makiramay, ang mga labi ni Donna ay nasa Asencion Chapel, sa Araneta Avenue, QC. Mananatili raw siya roon hanggang bukas, Biyernes ng gabi.

Martin sanay nang matsismis sa mga bading

Ewan kung bakit naman ang actor na si Martin del Rosario ang lagi na lang nilang ginagawan ng tsismis. Noong isang araw, doon sa press conference noong Pinulot Ka Lang sa Lupa, tinatanong naman siya tungkol doon sa tsismis na “nakipag-date” raw siya sa isang comedian-host.

Nag-deny si Martin dahil hindi naman totoo iyon, pero mukhang hindi na siya affected dahil sa rami na ng tsismis na ipinukol sa kanya. Nagkaroon na rin siya ng picture scandal sa internet, na inamin niyang siya.

Nagkabiruan lang, hindi naman dapat iyon inilalabas sa internet pero may naglabas nga, at kumalat.

Kaya naman siguro iginagawa nila ng lahat ng mga ganoong tsismis iyang si Martin ay dahil ilusyon nga siya noon ng mga bading, at siguro hindi naman niya pinapansin ang mga ilusyon nila.

Kaya ang ginagawa, itsinitsismis na lang siya.

Kung minsan iyan ang hirap sa buhay ng mga artista. Wala ka mang ginagawang lihis, minsan pinagbibintangan ka at pinalalabas na totoo. Kung magde-deny ka, sasabihin pa nilang sinungaling ka.

vuukle comment

DONNA VILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with