^

Pang Movies

AMA naka-jackpot kay Jeron!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Jackpot ang AMA Online Education sa pagsali ni Jeron Teng sa PBA D-League roster ng team. Imagine nga naman, two-time UAAP Champion at finals MVP si Jeron.

Si Jeron ang top draft pick ng PBA D-League. Challenge para sa kanya na i-represent ang team ng top online school.

“I am really looking forward to playing alongside the AMA OED this season. Representing an institution like AMA gives me sense of pride and motivation to perform my best. I’m grateful to be given the opportunity to carry the flag for students of AMA’s online schools,” pahayag ni Jeron.

Ayon naman kay Dr. Amable C. Aguiluz IX, Chairman and CEO of AMA Education System, magiging asset si Jeron sa coming season ng PBA D-League.

Ngayong January 19 ang debut ni Teng sa Aspirant’s Cup ng PBA D-League na makakalaban ang baguhang team na Batangas Team sa opening day.

Female celeb ginamit ang sungay sa isang event!

Naloka ang staff ng isang event nang imbitahan nila ng isang female celebrity. Lumabas kasi ang katarayan niya nang pabasahin siya ng spiels na gawa ng continuity writer.

Right then and there, pinabago ng female celeb ang spiels niya. Natakot naman ang ilang staff dahil baka ‘pag hindi siya sinunod eh mag-walk out ang hitad at masira ang flow ng programa.

Nagawa namang baguhin ng writer ang spiels ng female celeb. Nasabi naman niya ito with feelings.

Pero nang pinakiusapan siyang maghintay lang at may gagawin pa siyang iba, bumabu na ito at dedma sa request ng production staff, huh!                  

Aicelle type nang pakasalan ng reporter na bf

Pinaplano na raw ng GMA news reporter na si Mark Zambrano ang kasal nila ng singer at Traffic Diva na si Aicelle Santos.

“Unti-unti muna,” sambit ni Mark nang maispatan ng showbiz press sa Bagoong Club kung saan ipinakilala ang UAAP Superstar mula sa La Salle na si Jeron Teng.

Isa si Aicelle sa bumuo ng La Diva singing group na binuo ng GMA Artist Center. Buwag na ito at sina Jona at Maricris Garcia ang kasama niya noon. Sa tatlong divas, si Maricris ang ikinasal na last December.

Ngayong nakaplano na ang wedding nina Mark at Aicelle, si Jona na lang ang hindi pa nakakabingwit ng boyfriend, huh!

 

vuukle comment

AMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with