^

PSN Showbiz

Iza nagduda sa pagkatao nang makatabi si Liza!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Nag-promote si Iza Calzado sa programa ni Boy Abunda ng bagong serye sa ABS-CBN, ang A Love to Last, kasama sina Ian Veneracion at Bea Alonzo at naibahagi niya sa manonood ang pagkakapili sa kanya para maging bahagi ng Jury sa Hanoi Film Festival. Masaya ang Kapamilya actress na na-expose siya sa mas malawak na mundo ng cinema. Napakahalaga sa kanya kung paano siya naapektuhan ng mga pelikula na pi­nanood niya. ‘Yun lamang ang pi­na­kamahalaga sa trabahong gi­nam­panan niya.

Masaya si Iza na maganda ang idinulot sa kanya nang nakalipas na taon. Maganda ‘yung pelikulang Ilawod, isang suspense thriller kung saan ay muli niyang nakasama si Ian Veneracion sa direksyon ni Dan Villegas. Ipalalabas pa lang ito sa mga sinehan. Makakasabay pa ang pagpapalabas nito sa magsisimula nang A Love To Last ng ABS-CBN.

You’d think na sa rami na na-accomplish niya at ganda niyang ‘yun ay makadarama pa siya ng insecurity sa isang mas nakababatang artista, si Liza Soberano, na nakasama niya sa isang event? “Ang ganda niya. Nagduda tuloy ako sa pagkatao ko nang makatabi ko siya,” pag-amin nito.

Isa ito sa magandang katangian ni Iza, ang pag-amin sa isang inaakala niyang kakapusan sa pagkatao niya na nagsisilbing hamon para pagbutihin pa niya ang trabaho at pag-ibayuhin ang tiwala sa sarili.

Ken Chan binura na ang kabaklaan

Ibang-iba ang looks ni Ken Chan sa bagong serye niya sa GMA na Meant To Be. Marami nga ang hindi nakakilala sa kanya sa pagpapakila sa apat na leading men ni Barbie Forteza sa TV. Hindi mo maaalala sa kanya si Destiny Rose.

Para makumpleto ang kanyang looks ay nagpatubo siya ng balbas at bigote. Naglagay pa ito ng hikaw sa tenga.

Kris at Michela BFF na?!

I’m sure maiimbitahan si Kris Aquino sa binyag ng anak nina James Yap at Michela Cazzola. BFF na yata ngayon sina Kris at Michela. Pero tama na muna ‘yung friends na silang muli, ibang bagay ‘yung maging godmo­ther si Kris ng anak ni James kay Michela. Baka asking too much na ‘yun para sa dalawang kampo. Let’s just take ito slow.

Baka sa sususnod na anak ng mag-asawa, at mas tumibay pa ang friendship nila ay maaari na silang magbigayan ng kandila. Sa ngayon, makuntento na muna tayo na nagagawang paalagaan ni Kris kina James si Joshua. More than enough na ‘yun para makita kung gaano itinuturing ng pamilya ni James ang mag-iinang Kris, Josh, at Bimby.

Joey hindi pinaniniwalaan sa kuwento tungkol kay Kempee

Napakahina naman ng impluwensya ni Joey de Leon para hindi maipaglaban ang pananatili ng anak niyang si Keempee de Leon sa Eat Bulaga. Natanggal si Keempee sa show makaraan ang 13 taong pananatili rito at walang dahilan na sinabi sa kanya kung bakit siya inalis sa show.

Wala rin bang magawa ang kanyang ama para malaman man lamang kung bakit tinanggal sa show ang kanyang anak para lamang sa sarili nilang peace of mind? May maniniwala ba sa ganung kuwento?

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with