^

Pang Movies

Lovi kinaiinisan sa pagiging martyr

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Ok lang kesehodang makulit at mahina ang kokote ng ilang mga ka-friendship na mahilig manood ng mga teleserye at ipinipilit na ang kanilang napapanood na ginagawa ng mga artista ay ginagawa rin nila sa tunay na buhay. Tulad na lang ng nakaraang episode ng Someone To Watch Over Me, parang nasisiraan na ng isip si TJ (Tom Rodriguez) at comment ng ilang tsufatid, parang hindi naman Alzheimer’s ang sakit nito. Hindi raw nakakatuwa ang aktor, na for me ay magaling na artista, bukod sa pogi pa.

Galit din sila kay Lovi Poe (Joanna) na asawa ni TJ. Sobrang martir daw kasi nito. Dapat ay layasan na niya ang asawang nabaliw.

Anyway mga ka-friendship, magaling po ang writer ng Someone To Watch Over Me at sina Tom at Lovi kasama na rin si Max Collins. Sila ‘yung mga tipo ng artista na binabasa nila ang script at doon humuhugot ng kanilang ginagawa sa kumpas ng direktor.

Kasama pa nila sa serye sina, Edu Manzano, Jackielou Blanco, Irma Adlawan, Luz Valdez at iba pa.

BB pinag-iinteresan pa

May nagtatanong sa akin na mga dating katsokaran tungkol sa aktres na si Beth Bautista. Naging best actress ito minsan ng Urian Awards para sa movie na Hindi Sa Iyo Ang Mundo ni Baby Porcuna. Si Baby Porcuna ay isang magandang babae at matapang. Kapatid siya ng sikat na si Boy Golden na nakilala sa panahon ng mga nausong gang war sa Lungsod ng Manila. Ang nasabing movie ay produced ng Mirick Films International na ang producer ay si Jessie G. Chua.

May plano ang kausap ko na hikayating magbalik-showbiz ulit si BB (Beth Baustista) para sa isang movie na gusto niyang i-produce at makasama ang iba pang artistang tulad nina Celia Rodriguez, Suzanne Gonzales, Daria Ramirez, at iba pa.

Si Celia ay aktibo pa rin sa TV at pelikula, si Daria ay nagbalik na sa GMA-7 si Suzanne naman ay nasa States.

Payag pa kaya si BB or Beth na magbalik pelikula? Nobody knows, kasi ang alam ko very rich na siya at sa isang first class condo na nakatira.

Dating produ gustong sumubok uli sa showbiz

Isa pang sooner na nasa showbiz scene na ay ang dating producer ng Mirick Films International na si Jessie Chua, na isa ring very successful businessman ngayon. Gusto niyang sumubok ulit. If ever, religious at tungkol sa mga milagro ni God ang gusto niyang i-produce.

Right now, bukod sa may-ari ng isang mini-meriendahan ay consultant servant of the Lord siya sa isang chapel sa class na subdivision kung saan siya naninirahan. Siya ang organ player na almost two years na niyang ginagawa. Kaya raw napakasaya niya, dahil for him, ang musika ay isang therapy at ang bonding niya sa Diyos ay forever. HAPPY THREE KINGS PO!

vuukle comment

SOMEONE TO WATCH OVER ME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with