Mag-utol na drug maintainer, 3 pa tiklo ng PDEA
MANILA, Philippines – Inaresto ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at local police ang magkapatid na lalaki na sinasabing drug den maintainers at tatlong kostumer sa isang umano’y drug den sa Surigao City, iniulat kahapon.
Kinilala ni PDEA Director General Isidro S. Lapeña ang magkapatid na suspek na sina Michael Ensomo, alyas Tata, 42, at Ervin, 41 pawang taga Purok 6, Barangay San Juan, Surigao City, Surigao del Norte. Naaresto rin ang tatlo pa katao na nasa loob ng sinasabing drug den na sina Anthony Diaz alias Ton-ton, 25; Joel Apole alias Loloy, 46 at Andrew Torregoza alias Andy, 42 anyos. Dinakip ang magkapatid na Ensomo sa isang buy-bust operation sa kanilang bahay na ginagamit umanong drug den sa Barangay San Juan. Nakumpiska sa operasyon ang 18 transparent plastic sachet ng shabu na may bigat na 50 gramo na may halagang P590,000 at iba’t ibang drug paraphernalia.
- Latest