^

Bansa

Barangay kagawad, itinumba

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TAYABAS CITY, Philippines – Patay ang isang barangay kagawad na nasangkot sa ipinagbabawal na droga makaraang pagbabarilin ng motorcycle riding criminals, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Mayuwi.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo at ibat-ibang parte ng katawan ay kinilalang si Alvin Zoleta, 45, residente ng nasabing barangay.

Ayon kay P/Supt. Art Brual, chief of police dito, ang biktima ay nauna nang naaresto noong Agosto 20, 2016 dahil sa droga subalit nakalaya kinalaunan matapos magpiyansa.

Huling nakitang buhay ang biktima na nakaupo sa harapan ng kanyang bahay nang dumating ang isang kulay pulang motorsiklo na sinasakyan ng dalawang hindi nakikilalang lalaki.

Isa sa suspek umano ang bumaba sa motorsiklo at nilapitan ang biktima saka pinaulanan ng punglo hanggang mamatay.

Inaalam na ang pagkakakilanlan sa mga suspek at ang motibo sa krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with