^

Bansa

Duterte may tiwala pa rin kay Tugade

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak kahapon ng Malacañang na buo pa rin ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Transportation Secretary Arthur Tugade sa kabila ng mga panawagan na dapat magbitiw na ito sa puwesto.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Ana Maria Paz Banaag, bilang isang presidential appointee, may “trust and confidence” pa rin ang Pangulo kay Tugade.

Ipinagtanggol din ni Banaag si Tugade na ilang buwan pa lamang umanong nakaupo sa kanyang puwesto at ginagawa nitong mabuti ang kanyang trabaho.

Bagaman binibigyang-halaga rin umano ng Malacañang ang mga panawagan na magbitiw sa puwesto si Tugade pero kumikilos naman umano ang ahensiya nito para maresolba ang matinding problema ng trapiko sa bansa at iba pang problema na may kinalaman ang Department of Transportation.

Ilang grupo ang nanawagan na magbitiw na si Tugade hindi lamang dahil sa problema ng trapiko kung hindi sa diumano’y naging kaugnayan nito sa casino taycoon na si Jack Lam.

Nagsilbing pinuno ng Clark Development Corp. (CDC) si Tugade samantalang namayagpag naman ang online casino ni Lam sa Clark, Pampanga.

Nauna rito, ipinag-utos ni Duterte ang pag-aresto kay Lam dahil sa sinasabing bribery.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with