^

Bansa

Ombudsman kay Aguirre: Pruweba sa bribery vs Jack Lam ipakita

Elizabeth Marcelo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinimok ni Ombudsman Conchita Carpio Morales si Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre na  patunayan ang akusasyong  tinangka itong suhulan ng negos­yanteng si Jack Lam para sa proteksyon ng online gaming operation nito.

Sa pagsasalita niya sa isang anti-corruption forum sa Quezon City, ipinaliwanag ni Morales na hindi maaaksyunan ng kanyang tanggapan ang isang akusasyon kung walang pruweba o detalye.

“Kaugnay sa alegas­yon ni Secretary Aguirre sa tangkang panunuhol, dapat siyang magpalabas ng mga de­talye. Maaaring sabihin ko na ako rin….gayunman, walang sino mang nag-alok sa akin ng suhol, kahit kalahating patatas,” sabi ni Morales.

Isiniwalat ni Aguir­re noong Huwebes na tinangka siyang suhulan ni Jack Lam o Lam Yin Lok na may-ari ng Fontana Leisure Parks and Casino sa Clark, Pampanga para maging protector siya ng iligal na negosyo nito.

Sinabi pa ni Aguirre na nangyari ang tangkang panunuhol sa isang hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig noong Nobyembre 26, dalawang araw makaraang arestuhin ng National Bureau of Investigation ang mahigit 1,000 Chinese national na nagtatrabaho sa Fontana dahil sa kasong oversta­ying at iba pang paglabag sa immigration law.

Gayunman, inamin ni Aguirre na hindi siya maaaring makapagsampa ng kaso laban kay Lam dahil pananaw lang niya iyon na sinusuhulan siya.

Sinabi naman ni Morales na hindi maaaring gumawa ng imbestigayon ang Ombudsman nang batay lamang sa haka-haka.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with