^

Bansa

Malakanyang nakiisa sa Human Rights Day

Pilipino Star Ngayon
Malakanyang nakiisa sa Human Rights Day

Iba’t-ibang grupo ang nagrali sa Don Chino Roces bridge (Mendiola) sa Maynila kasabay ng paggunita sa International Human Rights Day. Krizjohn Rosales

MANILA, Philippines – Sa kabila ng mga nangyayaring patayan sa bansa sanhi ng kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga, nagpahayag kahapon ng pakikiisa ang Malacanang sa paggunita ng mundo sa Human Righst Day.

Ayon kay Communications Assistant Secretary Marie Banaag, kaisa ang Malacanang sa mga Filipino na gumugunita sa Araw ng Karapatang Pantao.

Nilinaw rin ni Banaag na kinokondena ng Palasyo ang mga human rights violations at laban ito sa mga nangyayaring extrajudicial killings.

Pero tumanggi si Banaag na sagutin ang tanong kung bakit halos walang ginagawa ang gobyerno para masawata ang nangyayaring patayan araw-araw ng mga pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay Banaag, mas makakabuting ang Philippine National Police ang sumagot sa nasabing isyu dahil ito ang nagsasagawa ng mga imbestigasyon.

Nilinaw ni Banaag na nais rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na anumang krimen ay maimbestigahan ng PNP.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with