^

Bansa

Ayon sa National Security Adviser: Banta ng terorismo totoo

Jaime Laude - Pilipino Star Ngayon
Ayon sa National Security Adviser: Banta ng terorismo totoo

Walang tinukoy si Esperon na grupong nagpaplanong maghasik ng terorismo sa kalakhang Maynila at iba pang mga lugar pero sinabi niya na masusing nakamanman ang mga puwersang panseguridad ng pamahalaan sa aktibidad ng mga grupo o indibidwal. File photo

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang umiiral na high terror alert sa Metro Manila na dahilan kaya nasa red at full alert ngayong kapaskuhan ang military at pulisya.

Walang tinukoy si Esperon na grupong nagpaplanong maghasik ng terorismo sa kalakhang Maynila at iba pang mga lugar pero sinabi niya na masusing nakamanman ang mga puwersang panseguridad ng pamahalaan sa aktibidad ng mga grupo o indibidwal.

“Nakakuha tayo ng mga bomba. Kaya merong antas ng three-terror threat. Hindi ito panakot sa mga tao kaya nasa red alert ang mga tropa. Hindi lahat sila pero ang kinauukulang mga tropa ay nasa red alert habang ang pulisya ay nasa full alert,” sabi pa ni Esperon.

Tinutukoy niya ang nabigong pambobomba sa United States Embassy gamit ang isang Improvised Explosive device at ang pagkakakuha sa isa pang IED sa Bulacan kamakailan.

Ang magkasanib na mga operasyon ng militar at pulisya ay  nakadakip ng apat na hinihinalang extremistang Muslim na may kaugnayan sa Maute terror group.

Bilang tugon sa umiiral na problemang ito sa seguridad, sinabi ni Esperon na dinagdagan ng Philippine National Police ang nakakalat na mga pulis at patrol habang dinoble naman ang trabaho ng intelligence ng military at pulisya.

Inorganisa din anya ang isang combined ready strike force para humarap sa mga grupong ito at indibidwal kapag kumilos ang mga ito sa kalakhang Maynila.

Posible rin anyang kabilang sa mga terror group ang Maute o Ansar al-Khalifa na nakabase sa Maynila at ibang lugar.

Idiniin ni Esperon na hindi ito pananakot sa publiko kundi para mamulat ang lahat sa nangyayari sa kanilang paligid.

“Nananawagan kami sa publiko na tumulong sa pagtukoy o gumawa ng report kapag merong indikasyon ng atake ng terorista,” dagdag niya.

Binanggit din ni Esperon na bineperipika rin ng ilang ahensiya ng pamahalaan kung meron ngang mga dayuhang jihadist sa Mindanao lalo na sa Lanao at karatig na mga lalawigan.

Naunang napaulat na merong intelligence information na nagsasaad na nakapasok na sa bansa sa pamamagitan ng southern backdoor ang ilang Indonesian at Malaysian Jihadist kasama ng mga nagmula sa Gitnang Silangan.

Ang mga dayuhang jihadist na ito na kaalyado ng Islamic State of Iraq and Syria ay umookupa umano ngayon sa dating base ng nabuwag na teroristang grupong Jemaah Islamiya sa Mt. Cararao sa Butig, Lanao del Sur.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with