^

Bansa

9 testigo sa EJK hindi na pinakinggan ng Senado

Pilipino Star Ngayon
9 testigo sa EJK hindi na pinakinggan ng Senado

MANILA, Philippines — Siyam na testigo pa sana ang maglalahad ng kanilang nalalaman sa extrajudicial killings ang hindi na nabigyan ng pagkakataon matapos wakasan agad ng Senado ang kanilang imbestigasyon, ayon kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Sinabi ni Trillanes na ang mga testigo ay mula sa Commission on Human Rights na magpapatunay sana na ang administrasyong Duterte ang nasa likod ng kabi-kabilang patayan na nagsimula nang maupo sa pwesto ang Pangulo.

"He cut it short, precisely. He did not even interview or questioned nine CHR witnesses," pahayag ni Trillanes patungkol kay Sen. Richard Gordon na pinamunuan ang committee on justice.

Aniya winakasan agad ni Gordon ang pagdinig upang hindi na madiin pa si Duterte at ang iba pa niyang kaalyado.

BASAHIN: Matobato kinasuhan ang mag-amang Duterte

"That's a proof, one of many, that he is just a lackey of President Duterte," dagdag ni Trillanes.

Sa 120-pahinang committee report ay lumabas na walang ebidensyang makapagpapatunay na mayroong a state-sponsored killings. Pinabulaanan din nila na mayroong Davao Death Squad (DDS) na pinamunuan umano ni Duterte noong alkalde pa siya ng lungsod ng Davao.

Samantala, naghain ng kaso ang umano’y dating miyembro ng DDS na si Edgar Matobato laban kina Pangulong Duterte at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

"In his affidavit, Matobato said the DDS is responsible for over a thousand murders from 1988 until he left the group sometime in September 2013. He also added the group's main targets were robbers, rapists and other suspected criminals in Davao," nakasaad sa pahayag ni Matobato.

"Siya (Duterte) ang nag-uutos sa pagpatay. Kapag kilala ang biktima o big-time, pumupunta si Duterte sa Laud Quarry para siguraduhin na 'yun nga ang target at para manood sa pagchop-chop ng bangkay," dagdag niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with