^

Bansa

Bitay haharangin ng LP Senators

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi susuportahan ng mga senador na kasapi ng Liberal Party (LP) ang panukalang batas na nag­lalayong ibalik ang death penalty sa bansa.

“The LPs’ in the Senate will not vote in favor of the re-imposition of death penalty. We are against the re-imposition of death penalty,” ani Senate President Pro-Tempore Franklin Drilon matapos pumasa sa House justice committee ang panukalang death penalty.

Tiniyak rin ni Drilon na bukod pa sa LP, may iba pang senador ang kokontra sa nasabing panukalang batas kahit pa isinusulong ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Drilon na hindi pabor ang LP sa pagbabalik ng death penalty dahil hindi pa maayos ang justice system ng bansa na maaring maging dahilan upang mabitay ang isang inosenteng tao.

Idinagdag ng senador na sakaling magkamali sa pagpapataw ng bitay ay hindi na maaring bawiin ang parusa kapag nai­patupad na ito.

Naniniwala rin umano ang mga senador na kasapi ng LP na hindi masasawata ang krimen kahit pa ibalik ang parusang kamatayan. 

Bukod kay Drilon, kasapi rin ng LP sa Senado sina Senators Bam Aquino, Leila de Lima at Kiko Pa­ngilinan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with