^

Bansa

2 CHED commissioners nagbitiw

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naghain na ng ka­nilang courtesy resignation kay Pangulong Rodrigo Duterte ang 2 commissioners ng Commission on Higher Education (CHED) na pawang appointee ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay CHED executive director Julito Vitriolo, ang mga naghain ng kanilang courtesy resignation bilang pagtalima sa naging panawagan ni Pangulong Duterte ay sina Commissioners Alex Brillantes Jr. at Minella Alarcon na pawang appointees ni PNoy.

Tanging si CHED chairperson Patricia Licuanan ang hindi tu­ma­lima sa naging Memorandum no. 4 ni Duterte na magsumite ng courtesy resignation ang mga presidential appointees ng nakaraang administrasyon.

Wika pa ni Atty. Vitriolo, hinihintay na lamang ng nasabing mga CHED officials ang magiging aksyon ng Office of the President sa kanilang inihaing courtesy resignation habang ang ikatlong appointee ni PNoy sa CHED na si Comm. Ruperto Sangalang ay natapos na ang termino noong Hulyo at nananatili lamang sa kanyang posisyon sa hold over capacity habang wala pang naitatalagang kapalit.

“She (Licuanan) is intelligent enough to discern the message of the president,” wika pa ni Atty. Vitriolo hinggil sa naging kautusan ni Pa­ngulo sa CHED chief na huwag nang dumalo sa Cabinet meeting.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with