^

Bansa

Bomba na kayang pumatay ng 300 katao, napigilang sumabog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bomba na kayang pumatay ng 300 katao, napigilang sumabog

Sinabi ng PNP Chief na ang narekober na bomba ay kahalintulad ng itinanim na bomba ng Ansar Al-Khalifa na may alyansa sa Maute terror group malapit sa US Embassy sa Roxas Boulevard nitong Nobyembre 28. PNP PIO/Released, file

MANILA, Philippines - Napigilan ng Philippine National Police (PNP) na sumabog ang isang homemade bomb na ka­yang pumatay ng 300 katao matapos itong marekober sa follow-up operations sa Bulakan, Bulacan nitong Miyerkules ng hapon.

Sa press briefing sa Camp Crame, iprinisinta nina PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa, NCRPO Chief P/Director Oscar Alba­yalde at MPD Director P/Sr. Supt. Joel Napoleon Coronel ang narekober na malakas na uri ng bomba na ibinaon sa putikan sa Doña Juana Subdivision, Brgy. Sta Ana, Bulakan.

Ayon kay dela Rosa, ang bomba ay isang 105mm artillery round na nasa 70-80 metro ang radius na kayang pumatay ng 300 katao kapag sumabog.

Sinabi ng PNP Chief na ang narekober na bomba ay kahalintulad ng itinanim na bomba ng Ansar Al-Khalifa na may alyansa sa Maute terror group malapit sa US Embassy sa Roxas Boulevard nitong Nobyembre 28.

“Malakas ito. Around 70 to 80 meters iyung kanyang casualty radius. Kung isang grupo ng siksikang katao, kayang pata­yin nito sa isang bagsakan, 300 na katao kanyon ito hindi mortar,” pahayag ni dela Rosa sa mediamen.

Ang bomba ay itinuro ng ikatlong nasakoteng suspek na si Mohamad Jumao-as na itinanim sa lugar makaraan itong maaresto sa follow-up operations sa isang ospital noong Disyembre 3 sa Bgy. Sta Ana, Bulakan, Bulacan kung saan nagtatrabaho ito bilang X’ray technician. Si Jumao-as ay iprinisinta nitong Miyerkules ni Albayalde at Coronel sa Camp Crame.

Sinabi pa ni dela Rosa na dahil naka-fashion sa artillery round ang bomba ay higit itong mas malakas sa ginamit sa Davao City bombing noong Setyembre 2, 2016 na kumitil ng 15 katao.

Matapos marekober ang bomba ay agad itong nai-detonate ng Explosives and Ordnance team ng PNP.

Ayon pa kay dela Rosa, ang nasabing bomba na gamit ng militar sa Minda­nao ay posibleng pinalipad pero nabigong sumabog kaya kinuha ng mga tero­rista partikular nang Maute terror group para magamit itong component o sangkap sa pambobomba.

Inihayag ng opisyal na ang mga suspek ay kabilang sa 5 man terror cell ng Ansar Al Khalifa na nasa likod ng bigong tangka na pasabugin ang US Embasy.

Kaugnay nito, inihayag ni dela Rosa na nasakote na rin sa Zambales kahapon ang ika-apat na suspek sa pagtatanim ng bomba sa US Embassy pero tumanggi munang tukuyin ang pagkakakilanlan nito habang isinasailalim pa sa tactical interrogation.

Nanatili naman sa terror alert level 3 ang Metro Manila at iba pang urban centers sa buong bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with