Corrupt officials binalaan ni Duterte
MANILA, Philippines - Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa corruption na mag-ingat na ang mga ito kung ayaw matulad sa mga napapatay na sangkot sa illegal drugs.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag kamakalawa ng gabi sa 4th State Conference of the United Nations Convention Against Corruption (UNCAC) Implementation and Review sa Rizal Hall, Malacañang.
Sinabi ng Pangulo na hindi siya magdadalawang-isip na isali sa mga napapatay at pagkamalang drug lord ang opisyal na sangkot sa katiwalian.
Ayon kay Duterte, hindi naman maitatago ang korupsyon at lagi itong sumisingaw kaya magkakaalaman sa loob ng departamento.
Tiniyak ng Pangulo na sa kanyang panunungkulan ay walang problema at wala daw mangyayaring korupsyon.
“Alam mo hindi mo matago ang corruption eh. It would always leak. Kaya ang department ko, sa NEDA noon, it would take you two to three years to get your papers released noon. Ngayon, one month. Kay Billy Dulay, sabi niya three days. Kasi ‘yung ano, the longer they squat on the documents, pera-pera talaga ‘yan. So, ang… It needs to be corrected now. Dito wala kayong problema. I can assure you, there will be no corruption. Pagka meron, isali kita… I will suspect that you are a drug lord. Dito sa akin, okay ka na,” giit pa ni Pangulong Duterte.
- Latest