Duterte tiniyak na matatapos ni Leni ang termino
MANILA, Philippines — Sa kabila ng mga pangamba na maagaw ang pwesto, siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte na matatapos ni Bise Presidente Leni Robredo ang kaniyang anim na taong termino.
Tiniyak ito ni Duterte sa mga Bicolano kung saan nagmula si Robredo na nanilbihan din bilang kinatawan ng Camarines Sur sa Kamara.
"I will assure Leni and the rest of the Bicol region that you will have her until the very end of her term," wika ni Duterte.
Nababahala ang kampo ni Robredo matapos malaman mula sa isang pinagkakatiwalaang source na mayroong plano na bilangin muli ang mga boto upang lumabas na si dating Sen. Bongbong Marcos ang tunay na nanalo sa eleksyon nitong Mayo.
Nitong Lunes lamang ay nagbitiw si Robredo sa gabinete ni Duterte bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council matapos siyang pagsabihan na huwag nang dumalo sa Cabinet meetings.
Nilinaw naman ni Duterte na hindi sila magkaaway ni Robredo sa kabila ng pagbibitiw ng Bise Presidente.
- Latest