^

Bansa

3 ‘Narco Judges’ inabswelto ng SC

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dinismis ng binuong fact finding investigation ng Supreme Court (SC) ang tatlo sa mga hukom na pinangalanan ni Pa­ngulong Duterte na kabilang sa nagbibigay ng proteksiyon sa illegal na kalakalan sa droga noong Agosto 7, 2016 sa kanyang talumpati sa Davao.

Sa pamamagitan ng inilabas na resolusyon, absuwelto sina Judge Exequil Dagala ng Dapa-Socorro Surigao MTC; Judge Adriano Savillo ng Iloilo City RTC Branch 30; at Judge Domingo Casiple ng Kalibo, Aklan RTC Branch 7

Sinabi ng SC na wa­lang ebidensya na mag-uugnay sa tatlong hukom sa paggamit, pagbebenta o paglaganap ng iligal na droga.

Sanhi nito, idineklara ng SC na terminated o tapos na ang imbestigasyon ng fact finding investigation team.

Samantala, sa pang-apat na judge na si Judge Antonio Reyes ng Baguio RTC, sinabi ni retired SC Justice Roberto Abad, pinuno ng fact finding investigation, na may hinihintay pa siyang tugon tungkol sa alegasyon laban kay Judge Reyes.

Ayon sa SC, walang tinatawag na prima facie evidence laban sa tatlong hukom lalo pa na walang tumetestigo laban sa kanila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with