^

Bansa

Singil sa kuryente tataas ngayong Disyembre

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Singil sa kuryente tataas ngayong Disyembre

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, ang pagtataas ng singil ay epekto ng paghina ng piso kontra dolyar sa bentahan ng kuryente, gayundin ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, na ginagamit sa produksiyon ng elektrisidad. 

MANILA, Philippines – Tataas ng 10 sentimo kada kilowatt hour (kwh) ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Disyembre.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, ang pagtataas ng singil ay epekto ng paghina ng piso kontra dolyar sa bentahan ng kuryente, gayundin ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, na ginagamit sa produksiyon ng elektrisidad.

Nilinaw naman ng Meralco na sa kabila nang pagtataas nila ng singil ay mas mababa pa rin ang December 2016 rate kumpara sa singil nila sa kuryente noong Disyembre 2015, bunsod na rin ng apat na buwang sunud-sunod na pagbaba ng singil sa kuryente, na umabot ng kabuuang 35 sentimo.

Nabatid na ang pagtaas ng singil sa kuryente ay katumbas ng P20 dagdag sa bill ng mga tahanang kumukonsumo ng 200 kwh, P30 sa 300 kwh, P40 sa 400 kwh at P50 sa mga kumukonsumo ng 500 kwh.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with