^

Bansa

Sa 24 CIDG officials sa Espinosa rubout: ‘Di ko sila hahayaang makulong! - Duterte

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi hahayaan ni Pangulong Duterte na  makulong ang 24 CIDG officials na kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa sinasabing rubout na nangyari kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. sa loob ng Baybay sub-provincial jail sa Leyte.

“I will not allow these guys to go to prison. One lousy soul, son of a *****, kung yun gusto nyo paboran, I will not allow these guys to go to prison. Findings murder? File charges,” pahayag ng Pangulo sa mensahe nito sa Urban Poor solidarity week sa Mandaluyong City.

Mas pinaniniwalaan umano ng Pangulo ang version ng mga pulis na nanlaban si Mayor Espinosa sa mga awtoridad kaya ito napatay ng mga elemento ng CIDG region 8 na magsisilbi ng search warrant sa loob ng jail.?

Siya raw kasi ang nag-utos na tugisin ang mga sangkot sa iligal na droga at kung manlaban ay barilin.

Pero sinabi ng Pa­ngulo na kung mayroong ebidensiya ang NBI na magpapatunay na rubout ang nangyari kay Mayor Espinosa ay dapat kasuhan ang mga pulis na sangkot dito at hindi siya makikialam sa imbestigasyon o trabaho ng NBI na gaya ng PNP ay nasa ilalim din ng kanyang tanggapan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with