^

Bansa

Duterte hindi ipakukulong ang mga pulis sa Espinosa rubout

Pilipino Star Ngayon
Duterte hindi ipakukulong ang mga pulis sa Espinosa rubout

Hindi hahayaang makulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na nakapatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa. STAR/Geremy Pintolo

MANILA, Philippines – Hanggang sa huli ay dinepensahan pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na nakapatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Sinabi ni Duterte na hindi niya hahayaang makulong ang 24 miyembro ng Crime Investigation and Detection Group  Region 8 kahit na lumabas sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation na pinatay ng walang kalaban-laban sa loob ng selda si Espinosa.

 “I will not allow these guys to go to prison maski sabihin ng NBI na murder. Tutal under ko naman ang NBI under ko rin ‘yan Department of Justice,” pahayag ng Pangulo.

Aniya mas paniniwalaan niya ang mga pulis na nagsabing shootout ang nangyari nang napilitan silang sumagot nang putok nang paputukan sila ni Espinosa.

“Kasi ako, naniwala ako sa pulis kasi kaming mga mayor, congressman, sino ba ang paniwalaan nila? Ang pulis o ang criminal. Kung ano ang sinabi ng pulis ‘yun ang totoo sa akin,” wika ni Duterte.

“Sabi ng NBI murder. Sabi ng pulis, ‘Sir lumaban yun.’ O dun ako maniwala sa pulis,” dagdag niya.

Una nang inamin ni Duterte na siya ang nag-utos kay Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na ibalik sa pwesto si CIDG-8 head Superintendent Marvin Marcos sa kabila ng pagkakasipa sa kaniya.

Si Marcos ang nanguna sa raiding team na sumugod sa selda ni Espinosa sa bisa ng search warrant.

Hindi pa man lumalabas ang resulta ng imbestigasyon ay sinabi ni Duterte na pinaniniwalaan niya ang mga pulis kahit sinabi ng Senado na planado ang naging pagpatay kay Espinosa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with