^

Bansa

Gobyerno ’di sangkot sa EJK’s

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Gobyerno �di sangkot sa EJK�s

Ayon kay Senator Richard Gordon, wala silang nakuhang testigo na makakapagpatunay na gobyerno ang nag-uutos na patayin ang mga pinaghihinalaang gumagamit at nagtutulak ng ilegal na droga. AP/Bullit Marquez

Walang nakuhang ebidensiya – Senado

MANILA, Philippines – Sa libo-libong napapatay sa kampanya laban sa ilegal na droga, walang nakuhang ebidensiya ang Senate blue ribbon committee na magsasabing state-sponsored o gobyerno ang nasa likod ng mga patayan.

Ito ang sinabi kahapon ni Senator Richard Gordon, chairman ng komite tungkol sa ilalabas na report sa ginawang ilang beses na pagdinig tungkol sa extrajudicial killings.

Ayon kay Gordon, wala silang nakuhang testigo na makakapagpatunay na gobyerno ang nag-uutos na patayin ang mga pinaghihinalaang gumagamit at nagtutulak ng ilegal na droga.

“Wala kaming makuhang state-sponsored yon at saka too short yong mga testigo,” ani Gordon.

Sinabi pa ni Gordon na hindi rin napatunayan sa mga isinagawang pagdinig ang sinasabing Davao Death Squad bagaman at isinama rin nila sa report ng komite ang sinabi ng mga testigong kinuha ni Senator Leila de Lima na unang naging chairman ng komite.

“Saka lahat naman ng mga testigo nina Senator De Lima ay kinuha namin at hindi na prove yong Davao Death Squad,” ani Gordon.

Pero napatunayan umano sa komite na nagsinunga­ling si Edgar Matobato, ang testigo na umaming dati siyang miyembro ng DDS.

Inirekomenda pa ng komite ni Gordon na kasuhan si Matobato dahil hanggang ngayon ay nawawala pa umano ang bangkay ni Salim Makdum, ang sinasabing terorista base sa salaysay ni Matobato.

“Pero ang na-proved namin ay nagsisinungaling si Matobato at dapat kasuhan siya dahil nawawala pa yong bangkay ni Makdum na sinasabi niya pinatay niya,” ani Gordon.

Isinama rin sa report ng komite na labag sa constitutional rights ng mga mamamayan ang nangyayaring Oplan Tokhang kung saan iniimbitahan ang mga taong sinasabing sangkot sa ilegal na droga upang paaminin at pangakuin na hindi na gagamit ng ilegal na droga.

“At saka yong mga tokhang-tokhang, may violation yan ng constitutional rights ng mga tao. Kailangan may abogado at kailangan dagdagan ang turo sa mga tao ng kanilang Constitutional rights against self incrimination,” ani Gordon.

Nakatakda namang ilabas ang report sa sandaling malagdaan na ng lahat ng mga senador na miyembro ng komite.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with