24 CIDG officials kinasuhan sa Mayor Espinosa murder
MANILA, Philippines – Kinasuhan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 24 na opisyal at tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group bunsod ng pagkakapatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at Raul Yap noong Nobyembre 5, 2016.
Sa ipinadalang dokumento kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II inirekomenda ng NBI na kasuhan sina CIDG Region 8 chief, Supt. Marvin Wynn Marcos, Supt. Santi Noel Gaspang Matira, Chief Insp. Leo Laraga, Sr. Insp. Deogracia Pendong Diaz, Sr. Insp. Fritz Bioco Blanco, SPO4 Juanito Amado Duarte, SPO4 Melvin Mendoza Caboyit, SP04 Eric Palattao Constantino, SPO2 Benjamin Layague Dacallos, SPO2 Alphinor Milla Serrano, Jr., PO3 Johnny Abuja Ibanez, PO3 Norman Tiu Abellanosa, PO3 Lloyd Ortinez Ortiguesa, PO2 Niel Patrimonio Centino, PO1 Bernard Rodriguez Orpilla, PO1 Jerlan Sadia Cabiyaan, Cristal Jane Briones Gisma, Divine Grace Baclas Songalia na pawang nakatalaga sa CIDG Region 8 Port Area, Tacloban City at Chief Insp. Calixto Canard Canillas, Jr., Insp. Lucresito Adana Candelas, SPO2 Antonio Romance Docil, SPO1 Mark Christian Castillo Cadillo, PO2 John Ruel Baldevia Doculan at PO2 Jaime Pacuan Bacsal na mga nakatalaga sa Regional Maritime Unit 8, Port Area, Tacloban City.
Sasampahan din ng reklamo ang dating inmate na si Paul Olendan ng Abuyog Penal Colony dahil sa kuwestiyonableng paghahain ng search warrant at pagbibigay ng pekeng testimonya.
Sinabi ni NBI Spokesman Ferdinand Lavin, lumilitaw sa kanilang pagsisiyat na’rub out’ at hindi shoot ang nangyari sa pagitan ng CIDG at ni Espinosa at Yap.
Imposible umano na magkaroon ng kontrabando sa loob ng kulungan nina Espinosa at Yap na isasagawa ang search warrant.
May motibo din ang pagkuha ng search warrant lalo pa’t peke ang testimonyang pinagbasehan. Wala umanong katotohanan na nasa loob ng selda si Olendan noong Oktober 28 para dalawin si Yap samantalang lumilitaw na nasa trabaho ito na pinatotohanan naman ng kanyang mga kasamahan. Si Olendan ay utiliy personnel sa Leyte National High School.
Lumilitaw sa kanilang nakalap na ebidensiya, na nagkaroon ng sabwatan sa insidente at pinagplanuhan ang pagpatay kay Espinosa.
- Latest