^

Bansa

De Lima, Espinosa at Dayan nagharap sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
De Lima, Espinosa at Dayan nagharap sa Senado

Nagkaharap na sa hearing sa Senado sina Sen. Leila de Lima, (kaliwa) ang sinasabing drug lord na si Kerwin Espinosa (gitna) at dating bodyguard at umano’y’ bagman’ ng senadora na si Ronnie Dayan (kanan). Geremy Pintolo

MANILA, Philippines - Nagharap kahapon sa Senado sina Senator Leila de Lima, ang kanyang dating driver-bodyguard na naging karelasyon na si Ronnie Dayan at ang nag-aakusang nagbigay sa kanila ng pera mula sa droga na si Kerwin Espinosa.

Pero hindi kinompronta ni De Lima ang dating karelasyon na nag-aakusa sa kanya na  nagpakolekta umano siya ng pera mula kay Espinosa at sa halip ay iginisa nito si PNP Director General Ronald “Bato” dela Rosa tungkol sa pagkakabalik sa puwesto ni Supt. Marvin Marcos, head ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Region 8 na sinasabing naging protektor ng ilegal na droga.

Kinuwestiyon ni De Lima si Dela Rosa kung bakit hindi kaagad nito inamin sa publiko na si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nag-utos sa kanya.

Sinabi ni De Lima na pinaikot-ikot pa umano ni Dela Rosa ang publiko tungkol sa sinasabi niyang kumpare.

Pero ipinaliwanag ni Dela Rosa na sinanay sila na huwag agad magsabi kaagad at nakatitiyak siyang may rason ang Pangulo sa kanyang na­ging utos.

Sa halip ring sagutin ang tanong ni De Lima tungkol sa sinasabing tumawag na “kum­pare”, sinabi ni Dela Rosa na nagsalita na si Pangulong Duterte sa nasabing isyu.

Mistulang hinamon pa ni Dela Rosa si De Lima na magpalit sila ng posisyon kaya tumaas ang boses ni De Lima na huwag makipagtalo sa kanya ang PNP chief.

“Do not argue with me,” pasigaw na sabi ni De Lima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with