6 arestado sa drug trade
NORTH COTABATO, Philippines – Anim-katao na sinasabing nasa drug watchlist ang nasakote sa inilatag na buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Poblacion, bayan ng Lutayan, Sultan Kudarat kahapon ng madaling araw.
Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Karl Besares, 21; Christopher Paragat, 20, Criminology student; Ivan Jaca Lucas, 23; France Maamod, 19, Maritime student, mga nakatira sa Barangay San Jose, Koronadal City; Kathlyn Agustillo, 20, Criminology student, ng Lutayan at ang 15-anyos na estudyante.
Nasamsam sa mga suspek ang apat na plastic sachet ng shabu, motorbike, mga drug paraphernalia at marked money na ginamit sa operasyon ng pulisya.
Ayon naman kay P/Senior Insp. Joan Resurreccion, hepe ng Pres. Quirino PNP, naaresto rin ang most wanted sa drug trade na si Surab Usop ng Barangay Banawag sa nasabing bayan.
Narekober sa suspek ang cal .45 na pistol na may anim na bala at 5-plastic sachets ng shabu at motorbike nito.
- Latest