^

Bansa

CRDA susi sa katahimikan sa Mindanao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Upang tuluyang mabigyan ng solusyon ang kaguluhan at kahirapan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at iba pang lugar sa Region 9, 10 at 12 na naaapektuhan ng labanan ay puspusan ang national government sa pagpapatupad ng Comprehensive Reform and Development Agenda (CRDA) sa mga naturang rehiyon.

Ito ang binigyan diin ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong sa paglulunsad ng Phase 2 (infrastructure development) at Phase 3 (economic development) ng CRDA.

Ayon kay Mamondiong, sa pamamagitan ng programang ito ng national government at iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno ay mapagtutuunan na ng pansin ng mga residente ang pagpapaunlad sa kanilang lugar sa halip na matutok ang mga ito sa nagaganap na gulo sa kanilang paligid.

Noong October 29 ng kasalukuyang taon nang isagawa ang Phase 1 (basic needs) ng CRDA na idinaos sa ARMM Regional Government Compound na dinaluhan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ay inatasan nito si Mamondiong na pangunahan ang mga ahensiya ng gobyerno sa naturang proyekto.

Sa pamamagitan ng CRDA ay susuyurin ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno ang ARMM at iba pang lugar sa Region 9, 10 at 12 upang makapaghatid ng proyekto na mas higit na kinakaila­ngan sa mga nabanggit na rehiyon.

Layunin din nito na tinawag ding provincial consultation o summit ng CRDA na malaman ang pangangailangan ng iba’t-ibang industriya at ng komunidad sa naturang lugar at makapagbigay ng rekomendasyon sa mga programang ihahatid sa mga ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with