^

Bansa

Teenage pregnancy dadami sa libreng condom ng DOH

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Teenage pregnancy dadami sa libreng condom ng DOH

Mas lalo pang dadami ang bilang ng teenage pregnancy sa bansa sa sandaling simulan ng Department of Health (DOH) ang pamimigay ng libreng condom sa mga estudyante sa susunod na taon. File photo

MANILA, Philippines – Mas lalo pang dadami ang bilang ng teenage pregnancy sa bansa sa sandaling simulan ng Department of Health (DOH) ang pamimigay ng libreng condom sa mga estudyante sa susunod na taon.

Sinabi ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza na nakakadismaya dahil hindi distribution center ng condom ang mga paaralan at ang mga magulang din ang dapat nagbibigay ng “education condom” sa halip na ang mga guro.

Iginiit pa ni Atienza na mas magbebenipisyo ang mga mag-aaral kung ang ituturo sa kanila ay tungkol sa sports, culture, good manners and right conduct at hindi ang paggamit ng condom

Wala naman umanong kinalaman ang condom sa pag-aaral at edukasyon ng mga mag-aaral at mali din na solusyon ito ng DOH sa HIV-AIDS.

Paliwanag pa ng kongresista, hindi solusyon ang paggamit ng condom sa isyu ng teenage pregnancy at kung itutuloy pa ang distribusyon nito sa mga pampublikong paaralan ay posibleng dumami pa ang bilang ng mga nabubuntis na kabataan.

Ito ay dahil tinuturuan lang umano maging sexually conscious ang mga kabataan kaya mas lalong tataas ang bilang ng teenage pregnancy.

Bukod dito hindi rin umano 100 porsiyentong mapo-protektahan ng condom ang mga kabataan dahil base na rin sa pag-aaral ay hindi rin naga-garantiyahan ng manufacturer na epek­tibo ito dahil mayroon din paltos o nabubutas ang condom.

Ang pahayag ni Atienza ay dahil sa plano ng DOH na mamigay ng condoms sa susunod na taon sa mga estudyante dahil sa pagtaas ng bilang ng nagkakaroon ng HIV-AIDS.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with