^

Bansa

Double standard sa droga binira ni Ping

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Double standard sa droga binira ni Ping

Sa kanyang Twitter account, ipinahiwatig ni Senator Panfilo Lacson na nagkamali siya sa akala na all-out drug war ang kanyang sinusuportahan. Sinabi pa ni Lacson na hindi pa rin dumarating ang sinasabing pagbabago dahil sa nangyayaring “double-speak at double standard.”

MANILA, Philippines – Matapos mapaulat na nabalik sa kaniyang posisyon si Supt. Marvin Marcos, pinuna ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang nangyaya­ring “double standard” sa mga pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na droga kung saan ang mga mahihirap ay agad na napapatay.

Sa kanyang Twitter account, ipinahiwatig ni Lacson na nagkamali siya sa akala na all-out drug war ang kanyang sinusuportahan.

Sinabi pa ni Lacson na hindi pa rin dumarating ang sinasabing pagbabago dahil sa nangyayaring “double-speak at double standard.”

Nauna rito, mismong si Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang nagsabi na matagal nang sangkot si Marcos sa ilegal na droga.

Ang grupo ni Marcos ang nagsilbi ng search warrant kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. na humantong sa pagkamatay nito sa loob mismo ng kanyang selda.

Si Dela Rosa rin ang nagbunyag na may tumawag sa kanyang mataas na opisyal na nag-utos na ibalik sa puwesto si Marcos.

Bagaman at walang pinangalan si Dela Rosa, ibinunyag naman ni Senator Leila de Lima na mayroon siyang source na nagsabi si presidential assistant Christopher “Bong” Go umano ang tumawag sa PNP chief.

Pero kamakalawa ng gabi ay inamin ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na siya ang nagpabalik kay Marcos sa puwesto upang malaman pa ang ibang sangkot sa ilegal na droga.

Sinabi rin ni Lacson na ang akala niya ay “strong willed at uncompromising” si Dela Rosa na naging tauhan niya noong siya pa ang hepe ng PNP.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with