^

Bansa

Para ibalik sa puwesto si Marcos: Digong umaming tinawagan niya si Bato

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Para ibalik sa puwesto si Marcos: Digong umaming tinawagan niya si Bato

Superintendent Marvin Marcos, former chief of the regional Criminal Investigation and Detection Group in eastern Visayas. Philstar.com/File photo

MANILA, Philippines – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes ng gabi na siya at hindi ang kanyang assistant na si Christopher “Bong” Go ang tumawag kay Philippine National Police Director General Ronald “Bato” dela Rosa upang ibalik sa puwesto ang grupo ni Supt. Marvin Marcos.

Sa talumpati ng Pa­ngulo sa closing ceremony ng Motorcycle Riding Course sa Felis Resort Complex Matina Aplaya, Davao City, inamin ng Pangulo ang ginawang pagtawag niya kay Dela Rosa.

Pero agad ring nilinaw ng Pangulo na pinabalik niya sa posisyon si Marcos dahil nagbi-build up pa ang kaso at ayaw niya itong maputol.

Sinabi rin ng Pangulo na malinis si Chief Supt. Asher Dolina, ang director ng Eastern Visayas noong 2015 pero may “tama” umano si Marcos.

“Huwag kayong maniwala na si Bong ang tumawag ‘yung para kay ano… Something—Doon ko nalaman, I’d like to make it public. Kaya ko sabi ko, as it is kayo diyan. Doon ko nalaman si Dolina malinis. Si Marcos, may tama… Huwag mong galawin kasi gusto kong tingnan. Kaya kung big­lain mo, napuputol ‘yung guma-nagbi-build up ng kaso,” anang Pangulo sa kanyang talumpati.

Ang grupo ni Marcos ang nakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. sa loob mismo ng selda nito na naging dahilan upang magsagawa ng imbestigasyon ang Senate committee on public order and illegal drugs na pinamumunuan ni Senator Panfilo “Ping” Lacson.

Sinabi rin ng Pangulo na bagaman at hindi alam ng ibang pulis nagsasagawa sila ng imbestigasyon pero hindi na inaanunsiyo.

“Yung ibang pulis hindi man nila nalaman na we’re doing the investigative work, tapos hindi mo ma-announce, so you do that, it will create a ripple in the entire country,” anang Pangulo.

Matatandaan na ibinunyag ni Senator Leila de Lima na si Go umano ang tumawag kay Dela Rosa para maibalik sa puwesto ang team ni Marcos kahit pa dawit umano ang ilan sa mga ito sa ilegal na droga at sinasabing nakatanggap ng pera mula sa aminadong distributor ng shabu na si Kerwin Espinosa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with