^

Bansa

Asst. Solgen inaresto sa ‘sexual abuse’ sa US

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaresto ng US authorities ang assistant solicitor habang nasa Estados Unidos dahil sa umano’y pang-aabuso sa isang 13-anyos na lalaki.

Sa ulat na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakatakdang iharap sa pagdinig sa US court ang Ph official na si Asst. Solicitor General Derek Puertollano dahil sa kasong “misdemeanor sexual abuse of a minor”.

Kasalukuyan nang bini­bigyan ng assistance ng Embahada ng Pilipinas si Puertollano na nakapag­lagak ng piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan kasunod ng pagkaka-aresto nito noong Nobyembre 19.

Siya ay hindi pinapayagan ng korte na makalabas ng US at inatasang isuko ang kanyang pasaporte.

Si Puertollano ay nagtungo sa US sa official work para dumalo sa “seminar on international arbitration” sa Washington D.C. nang maganap ang sinasabing sexual abuse.

Sa ginanap na arraignment sa kanyang kaso, nag-plead ng not guilty ang natu­rang opisyal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with