Sa 2nd PUP Mabini Media Awards PSN Best Tabloid
MANILA, Philippines - Sa ikalawang pagkakataon, muling itinanghal na Best Tabloid ang PILIPINO STAR NGAYON o PSN sa ikalawang PUP Mabini Media Awards na ginanap sa Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon.
Gamit ang computerized voting system bumoto ang 65,098 na estudyante sa pamamagitan ng student information system (SIS).
Napili ang PSN bilang Best Tabloid dahil sa pagkakaroon ng patas na pagbabalita alinmang aspeto at sektor sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Ayon naman kay Mr. Al Pedroche, Editor in Chief ng PSN, ang karangalan at pagkilala ay indikasyon na mas dapat pang pagbutihan ang paglalahad ng mga balita para na rin sa ikabubuti ng publiko.
Ani Pedroche, asahan ng publiko na may makabuluhang pagbabalita at pagbibigay ng tamang impormasyon ang makukuha ng publiko.
- Latest