^

Metro

Patay sa Tokhang puwede sa bagong columbarium, crypt

Pilipino Star Ngayon

Sa Manila North Cemetery

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Manila Mayor Joseph Estrada na maaari ring mailibing ang mga biktima ng Oplan Tokhang sa bagong tayong columbarium at apartment crypt sa Manila North Cemetery.

Ang paniniyak ay ginawa ni Estrada kung saan sinabi nito na walang diskriminasyon sa anumang serbisyo na binibigay ng pamahalaang lungsod sa mga Manilenyo, lalo na sa mga mahihirap.

“Basta taga-Maynila,” sagot ni Estrada nang tanungin kung maaari ring ilibing sa bagong pasilidad ang mga napaslang na drug suspects sa lungsod.

Nitong Lunes lang ay pinasinayaan ni Estrada ang bagong tayong P90-milyong columbarium at apartment crypt sa Manila North Cemetery, na aniya’y libreng magagamit ng mga taga-Maynila.

Sa patuloy na pagpapatupad ng Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel ng Manila Police District, aabot na  sa 200 ang napaslang na drug suspects habang nasa 10,000 libo na ang boluntaryong sumuko.

Sinimulan ang konstruksyon ng 5,000-square meter at apat na palapag na columbarium at crypt nito lang Pebrero.  Ang columbarium ay may 4,088 na lagayan ng mga urns habang ang crypt naman ay kayang paglagyan ng 1,218 na kabaong.

Aminado si Estrada na punung-puno na ang Manila North Cemetery kaya naisipan na niyang magpatayo ng columbarium. (Doris Franche- Borja)

vuukle comment

MANILA NORTH CEMETERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with