^

Metro

Health Care Program: P40-M bagong CT scan machines, binili ni Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa layuning paigtingin pa ang pagbibigay ng libreng serbisyo-medikal sa mga Manilenyo, bumili si Mayor Joseph Estrada ng apat pang bagong computerized tomo-graphy (CT) scan machines na nagkakahalaga ng P40 milyon para sa mga pampublikong ospital ng lungsod.

Ayon kay Estrada, baha­gi ito ng kanyang 10-point agenda para sa susunod na tatlong taon na karamihan ay para sa pagbibigay-serbisyo sa mga mahihirap na residente ng Maynila.

“Isa ito sa aking mga pra­yoridad, bahagi ng aking 10-point agenda, upang pagbutihin pa ang ating healthcare system, kaya patuloy tayong bumibili ng mga maka­bagong medical equipment tulad ng MRI (magnetic resonance imaging), CT scans, X-ray at ultrasound machines, at incubators,” ani Estrada.

Aniya, sa mga private hospitals, may bayad ang paggamit ng CT scans at MRI subalit sa anim na mga ospital ng lungsod libre lahat ang mga serbisyong ito.

Ipapamahagi ang apat na bagong CT scan machines sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Justice Abad Santos Mother & Child Hospital, Ospital ng Maynila Medical Center at Sta. Ana Hospital.

Nagpasalamat naman si Dr. Jesus Sison, Jr., medical director ng Sta. Ana Hospital, sa pamahalaang lungsod sa bagong CT scan machine.

Ang mga bagong CT scan machines ay may 16-32 slice systems na mas gustong gamitin ng mga doctor, ayon pa kay Sison.

Makakagawa rin ito ng virtual colonoscopy (VC), isang medical imaging procedure na ginagamit sa pag-diagnose ng sakit sa colon, kabilang na ng polyps, diverticulosis at cancer, dagdag pa niya.

vuukle comment

CT SCAN MACHINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with