^

PSN Showbiz

JC Santos takot sa GF

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung sino man ang nagkakalat ng tsismis na nililigawan ni JC Santos ang sister ni James Reid na si Lauren Reid ay siguradong nagulat na mala­mang taken na ang mabilis na sumisikat na aktor sa TV. Tatlong taon na nitong karelasyon ang isa ring theater actress na nagngangalang Joanne Villanueva.

Selosa ang girlfriend ni JC, pero bukod sa pagpapakuha ng litrato sa fans ay wala siyang ginagawa na dapat ipagselos ng karelasyon niya. Sinabi nito na friends lang sila ng sister ng friend niya at co-star sa Till I Met You. Faithful siya sa GF niya kaya kahit selosa ito ay very smooth

Liza binubuyo talagang maging beauty queen

Baka finally ay makumbinse na rin si Liza Soberano na sumali sa Binibi­ning Pilipinas beauty pageant. Sa pamosong paligsahan na ito ng kagandahan nanggagaling ang mga ipinadadala nating mga kandidata para sa Miss Universe, Miss International, Miss Supranational at kung anu-ano pa.  

Sana pag-isipang mabuti ito ng Kapamilya artist. Madali man niyang mapanalunan ang titulo dahil pinili siya at hindi nagprisinta, eh baka naman malagay siya sa alanganin kapag hindi nakuha ang titulo sa international pageant.

Malaki ang magiging at stake ng isang kilalang artista sa pagsali sa pa­ligsahan sa pagandahan. Oo nga’t maganda siya, pero dapat ay aware siya na hindi pinakamagaganda sa ating standard ang mga nananalong Bb. Pilipinas sa abroad. Malaking puntos din ang pagkakaroon ng suwerte. Baka suwerte ngang artista ang ka-loveteam ni Enrique Gil, pero baka malas naman siya sa beauty contest.

Mga taga-Binibini hataw sa abroad

Bumabandera ang mga Binibining Pili­pinas natin ngayon sa mga sinasalihan nilang international pageants. Si Nicole Cor­doves ay first runner-up sa katatapos na Miss Grand International 2016 na gi­na­nap sa Las Vegas, Nevada. Puma­nga­lawa siya kay Miss India.

Samantala, nasungkit naman ni Kylie Verzosa ang Miss International title sa Japan. Pang-anim na siyang winner sa pakontes na ito.

For sure, abot tenga ang ngiti ng namumuno at humahawak ng prangkisa na nagpapadala ng mga kandidata natin sa Miss Universe, Miss International, Miss Supranational, Miss Grand International, atbp. dahil sa iniuuwi nilang tagumpay.

ang relationship nila. 

Maja at Kim tapos na ang ‘giyera’

Hindi lang kay Gerald Anderson naka-move on ang da­ting mag-BFF na sina Maja Salvador at Kim Chiu. Naka-move on na rin sila sa pagkakalayo na namamagitan sa kanila dahil din kay Gerald. Kung sa kanyang ex ay payag nang makipagtrabaho si Kim, si Maja ay open sa project na magkakasama silang tatlo, basta maganda lamang ang istorya.

Bagaman at mahirap ilagay ng buong-buo ang kanilang mga sarili sa kanilang trabaho dahil nga sa pinagdaanan nila, malaking tulong kina Kim at Ge­rald ang pagkakaroon ng lovelife. Si Gerald kay Bea Alonzo at si Kim kay Xian Lim.

Nora suko sa kompetisyon sa mga baguhan

Gagawa naman ng movie si Nora Aunor sa UNTV-37 na pinamumunuan ni Bro. Ely Soriano. Si Daniel Razon ang magdidirek ng pelikula.

Sa kabila ng kanyang estado bilang malaking artista, pero tinatalo ng maraming mas nakakabata sa kanya ay walang insecurity na nadarama ang Superstar. Tanggap niya na maraming magagaling sa mga nagsusulputang bagong artista ngayon, bata man o hindi. Ayaw niyang makipagkumpitensya. Mas gusto niyang pagbigyan sila para mas madali nilang maabot ang tagumpay. Fulfilled na siya bilang artista, wala na siyang gustong patunayan pa. 

Derrick naglalaway na kay Maja!

Napakaswerte naman ni Derrick Monasterio. Naka-line up para maging leading lady niya sa isang Regal movie si Maja Salvador. Malaking artista ang Kapamilya actress at isa sa pinakamagaling kaya Derrick has to be on his feet kung hindi maiiwan siya nito ng milya-milya.

Kay Michael V din ang konsepto ng kanyang adventure series sa GMA kasama si Bea Binene.

vuukle comment

JC SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with