^

PSN Opinyon

Utos ng Konstitusyon: patrulyahan ang EEZ

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

PARA protektahan ang 200-mile exclusive economic­ zone, patrulyahan ito ng Philippine Navy at Coast Guard. Utos ‘yan ng Konstitusyon, ani Supreme Court Senior Justice Antonio Carpio. Nagsalita siya sa balak ni Presidente Rody Duterte na wala nang joint patrols ng EEZ kasama ang US Navy, at patrulyahan na lang ang 12-mile teritoryong dagat­. Ang EEZ ay karapatan ng bansa sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea. Giit ni Carpio:

(1) Takda ng Konstitusyon na ipagtanggol ng Estado ang EEZ;

(2) Saad nito na bahagi ang EEZ ng pambansang teritoryo;

(3) Utos pa nito na protektahan ng Sandatahang Lakas ang EEZ;

(4) Si Presidente ang Commander-in-Chief ng Sanda­tahang Lakas;

(5) Sumumpa si Presidente na ipagtanggol ang Kons­titusyon;

(6) Kaya tungkulin ni Presidente na protektahan ang EEZ;

(7) Hindi na pinagtatalunan ang EEZ sa West Phi­lippine Sea dahil pinasya ng UN Tribunal na ilegal ang nine-dash line ng Tsina at wala itong overlapping EEZ sa Pilipinas. Iskwater ang China sa karagatan. Ang pagtu­ring na pinagtatalunan pa ang karagatan ay pagtalikod sa pasya ng Tribunal. Ang pananatili ng Tsina sa EEZ ay panggugulo; walang ginugulo ang Pilipinas sa pagpa­trulya ng sariling EEZ;

(8) Patrulya ang tanging pagprotekta ng EEZ kontra magnanakaw. Kundi, nanakawan ng mga dayuhan ang Pilipinas ng bilyun-bilyong pisong isda. Takda sa UNCLOS na sa Pilipinas lang ang yaman ng EEZ;

(9) Ang Malampaya gas field na pinagmumulan ng 40% ng kuryente ng Luzon ay 43 milya mula Palawan, lampas sa 12-mile teritoryong dagat pero sa loob ng EEZ. Dapat protektahan ang Malampaya ng patrulya sa nakapaligid na EEZ.

(10) Kaya interes ng Pilipinas na patrulyahan nang sarili ang EEZ.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with