^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bigyang-linaw trahedya ng SAF 44

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bigyang-linaw trahedya ng SAF 44

BALAK ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na magkaroon muli ng imbestigasyon sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF). Sa balak na ito ni Aguirre, nabuhayan nang pag-asa ang pamilya ng SAF commandos. Para sa kanila, magkakaroon din ng closure ang pagkamatay ng kanilang kapamilya noong Enero 25, 2015 sa Mamasapano, Maguindanao. Sa totoo lang ang mga isinagawang imbestigasyon ng Senado sa SAF 44 ay walang nahukay na katotoha­nan at naiwan lamang ang maraming katanungan. Ang totoong pangyayari sa Mamasapano killings ay hindi nabatid.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Senado noong Enero, naulit lamang ang pagtuturuan ng military general at mga dating opisyal ng Philippine National Police na may kinalaman sa “Oplan Exodus”. Itinuturo ng military general ang dating­ hepe ng Special Action Force na hindi naki­pag-coordinate sa kanila kaya hindi nabigyan o napadalhan ng tulong habang nakikipagbakbakan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Pero itinanggi iyon ng dating hepe, maaga pa lamang umano ay humingi na siya ng artillery support sa AFP, pero walang dumating na tulong.

Dahil hindi nasaklolohan, nalagas ang 44 na miyembro ng SAF. Ang 44 ang nagsilbing blocking­ force sa mga sumalakay sa kubo ng teroristang si Marwan. Napatay si Marwan.

Halos pitong oras na nakipaglaban ang SAF 44 sa MILF at BIFF pero walang tumulong sa mga ito. Hinayaang patayin ang police commandos.

Ilan sa mga nais malaman ni Aguirre kaya nais buksan ang kalunus-lunos na pagkamatay ng SAF 44 ay ang papel ng United States sa “Oplan Exodus”. Ayon sa report, may nakitang Puti nang isagawa ang pagsalakay sa bahay ni Marwan. Isa pang nais malaman ng DOJ ay kung sino ang nakakuha ng $5-milyong reward ng US para sa pagkakapatay kay Marwan at ang malaking katanungan na gustong masagot ay kung bakit hindi nasaklolohan ng AFP ang mga nasukol na SAF 44.

Kailangang mabigyang-linaw ang sinapit ng SAF 44.

vuukle comment

SAF 44

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with