^

Bansa

‘Mag-donate ng dugo’

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang kongresista sa mamamayang Filipino na mag-donate ng kanilang mga dugo para matulungan ang mga na­ngangailangang kababa­yan.

‘Donate blood so that the country may live,” sabi ni Quezon Rep. Helen Tan, chaiman ng Committee on Health.

Ayon kay Tan, kailangan magsama-sama ang sambayanan para mag-ambag ng kanilang mga dugo dahil may kakulangan na rito.

Ayon kay Tan, magi­ging matatag ang suplay ng dugo sa bansa kung ang bawat Filipino ay magbibigay ng kanilang dugo.

Sabi ni Tan, isang medical doctor, ang isa sa dahilan kung bakit kapos ang suplay ng dugo sa bansa ay dahil sa maling akala ng publiko tungkol sa blood donation.

Samantala sinabi ni DOH Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial, nanga­ngailangan tayo ng one million blood units para magkaroon tayo ng sapat na suplay ng dugo.

Ayon kay Ubial, may ginawa silang blood program sa bansa pero may 720,000 units lang ang nakuha nila. Kailangan ng 1% ng kabuuan population para maging sapat ang pamamahagi ng blood source at blood products sa bansa.

Gayunman sinabi ni Ubial, ang one third ng 720,000 units ay nangga­ling sa PNRC samantala ang natitirang two-thirds ay mula sa DOH hospitals.

vuukle comment

MAG-DONATE NG KANILANG MGA DUGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with